Advertisers

Advertisers

Magkakaibigan nag-joy ride sinalpok ng truck, patay

0 11

Advertisers

Hindi inakala ng tatlong kabataan kabilang ang dalawang babae na ang kanilang pag-joy ride sa hiniram na motorsiklo ang magiging sanhi ng kanilang kamatayan nang masalpok ng closed van sa bayan ng Sta. Barbara.

Agad na nasawi ang mga biktimang hindi pinangalanan sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa kanilang ulo at katawan.



Hawak naman ng pulisya ang driver ng closed van at mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at damage to property.

Ayon kay Lieutenant Colonel Michael Datuin, hepe ng Sta. Barbara Municipal Police Station, 2:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa national road na sakop ng Barangay Tebag East.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng binatilyo ang motorsiklo at angkas nito ang dalawang babae nang bigla na lamang tumawid sa kanilang linya ang closed van.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang tatlong biktima na naging sanhi ng kanilang kamatayan at nasunog ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Kuwento ni Jackie Lou Vicente, ina ng driver ng motorsiklo, 10:00 ng gabi sinilip pa niya ang anak sa silid at naglalaro pa kasama ang dalawang babae at sinabihan na huwag umalis ng bahay.