Advertisers

Advertisers

Madam Baby Go bida at markado ang role sa short film na “Madam”

0 17

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

WELL-attended ang ginanap na birthday bash ng Queen of Maindie Films na si Madam Baby Go na ginanap sa Valle Verde Country Club sa Pasig kamakailan.

Dinaluhan ito ng mga kilalang personalidad tulad nina Allen Dizon, Cory Quirino, Paolo Gumabao, Atty. Ferdinand Topacio, Direk Ralston Jover, Kate Brios, Direk Lester Dimaranan, producer Romeo Lindain at marami pang iba.



Nandoon din ang kanyang pamilya na bumati at nagbigay ng suporta sa kanya.

Pinasalamatan din ni Madam Baby ang mga miyembro ng entertainment press na laging nakasuporta sa kanya.

Pinakamalaking pasabog ng gabi ang showing ng kanyang short film na “Madam” na pinagbibidahan niya at angkop na title roler sa kanya.

“Ideya ito nina Direk Ralston, Dennis (Evangelista) at noong mga direktor na kasamahan natin, “ bungad ni Madam Baby.

Aniya, ang pagpapalabas daw ng nasabing short film na idinirehe ng award-winning filmmaker na si Ralston Jover ay isang pagdiriwang ng pagtuntong sa kanyang ika-60 taong kaarawan.



“Gusto kong i-celebrate iyong mga taong nandito ako sa showbiz. Happy ako na sa dami ng aking pinagdaanan, mula noong nagsisimula pa ang BG at maging noong nag-pandemic, nandito pa rin kami. Masaya ako at nagpapasalamat na umabot kami ng almost 12 years ,” hirit niya.

Hindi rin daw naman siya nahirapang idirek ni Direk Ralston dahil madalas ay may cameo performances siya sa mga pelikulang ginagawa niya under BG Films.

“Iyong pag-arte naman, lumalabas na rin tayo sa mga projects ng BG. So, hindi na ako masyadong nahirapan,” paliwanag niya.

Ang nabanggit na short film daw ay nakatakdang ilahok sa mga film festivals sa bansa at sa abroad.

Dagdag pa niya, marami raw dapat abangan na mga proyekto sa kanyang produksyon dahil tuloy-tuloy pa rin daw ang paggawa nito ng mga makabuluhang pelikula sa 2025.

“May mga gagawin sa amin sina Direk Louie, Direk Joel at iyong iba pang mga resident directors ko. Tapos, nandiyan sina Allen. So, marami ang dapat abangan,” hirit niya.

Bukod sa mga natapos nang pelikula ng BG Films tulad ng “AbeNida”, ang kanyang film outfit ay nakipag-collab sa Borracho Film Productions ni Atty. Topacio para sa produksyon ng pelikulang “Spring in Prague”, isang love story na pinagbibidahan ng Czech actress na si Sara Sandeva at ng magaling na aktor na si Paolo Gumabao.

Ito ay mula sa direksyon ni Lester Dimaranan (Mamasapano: Now It Can Be Told) at ipapalabas na sa Mayo.