Advertisers
NASUNGKIT ni Mark John Lexer Galedo ang silver medal sa Masters 40-44 years old category sa individual time trial (ITT) Sabado sa Asian Cycling Confederation Road Championships sa Phitnasulok, Thailand.
Naorasan si Galido ng 28 minutes and 25.2 seconds sa 21-km race na napanalunan ng Thailand Tawatchai Jeeradechatam, na may 35 segundo mas mabilis sa Filipino, na ITT gold medalist sa Myanmar 2013 Southeast Asian Games.
Nakupo ni Kritsana Keawjun ng Thailand ang bronze medal sa likuran ni Galido, sa Masters races kung saan isa pang Filipino, Roderic Calla ang pang-anim sa 45-49 years old group.
Ang special Citation awardee sa nakaraang Philippine Sportswriters Association-San Miguel Corp. Annual Awards, Galido ay nagretiro na elite rider noong 2024 at nauri sa 40-44 category sa Phitnasulok ayon sa kanyang year of birth.
“I’m so happy for this victory and so inspired to see our flag being raised here,” Wika ni Galedo, na isa na ngayong coaches ng 21-cyclist national team na sumasabak sa championships sa pamamagitan ng PhilCycling, Philippine Sports Commission at sa MVP Sports Foundation.
“Thank you to the PSC, POC [Philippine Olympic Committee] and PhilCycling president [Abraham] Bambol Tolentino, to 7Eleven Roadbike Philippines, to my family for the opportunity to compete here,” anya.
Galedo, na nakopo ang kanyang fifth Tour of Guam crown bago nagretiro nakaraang Disyembre, ay sasabak rin sa road race sa Huwebes.
Nagbulsa rin ng bronze medal si National team coach Joey de los Reyes sa Masters road race sa nakaraang Asian championships — ay suportado rin ng PSC—sa Astana, Kazakhstan.