Advertisers

Advertisers

EJ Obiena nakamit ang unang ginto sa 2025

0 11

Advertisers

NAKAMIT ni Ernest John ‘EJ’ Obiena ang kanyang unang gintong medalya para sa 2025 season matapos mangibabaw sa Meeting Metz Moselle Athlelor men’s pole vault sa France Linggo (Manila time).

Pumailanlang ang Filipino bet ng season-best 5.70-meter clearance para mangibabaw sa 8-man field, dinaig ang Dutch Menno Vloon via countback.

Nalundag ni Vloon ang parehong taas pero nangailangan ng maraming attempts kisa overall ni Obiena.



Matapos malagpasan ang 5.70m, Obiena ay ranked No.4 sa kanyang sports, nalaktawan ang 5.80 at sinubukan na lundagin ang 5.85m pero nabigo sa tatlong attempts.

American Christopher Nilsen ang nagkumpleto sa podium sa 5.60m clearance.