Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
ISA si Cristine Reyes sa mga artistang nag-post ng pakikiramay sa yumaong si SanCai ng Meteor Garden o Barbie Sue sa totoong buhay.
Nag-post ang aktres ng throwback pic nila ng yumaong Taiwanese star sa araw din ng kanyang 36th birthday.
Ayon sa post ni Cristine, ikinalungkot niya ang pagpanaw ni Barbie, sa edad na 48, dahil sa pneumonia noong Pebrero 2, 2025.
“Rest in peace Shancai, our childhood favorite. Also, Happy 36th to me today.”
May hashtags itong #happybirthdaytome, #meteorgarden at #barbieshu.
Ang ilan naman sa mga netizens ay hindi alam kung ano ang gustong sabihin kay Cristine, ang makiramay dahil nalungkot din sila sa kamatayan ni Barbie o batiin si Cristine dahil sa kanyang kaarawan?
Komento ng isang netizen sa Facebook, “Nalulungkot ako sa nangyari sa kanya. By the way, masaya ako kasi birthday mo, Cristine. Happy birthday! Pero malungkot talaga ang nangyari kay shancai. Pero happy birthday ulit, Cristine ah”
Ayon sa isa pa, “May You Rest in peace po my Teenage Idol Shan Cai Barbie Hsu (sad emoji) and Happy Birthday and more birthdays to come Idol Ms Cristine Reyes, Ganurn po, dalawa Ang bati para fair”
Nakarating naman kaagad kay Cristine ang iba’t ibang reaksiyon ng netizens. Dahil dito ay binura na lamang niya ang kanyang naunang post.
Sa kanyang Instagram story, muling binati ng aktres ang sarili at pinasaringan ang mga taong tinawag niyang “perfect”
Mensahe ni Cristine (published as it is), ”
“Maligayang kaarawan sa akin Yun na lang.. oks na!?
“Kailangan palaging perfect. Bawal magkamali nowadays..
“May kalupitan na kapalit sa mga bagay kapag nagkamali e, diba?
“Marahil ako nga talaga ay nagluluksa ngayong kaarawan ko.
“Good?
“Ang daming magagaling sa mundo.”
Ito ang naging post na aktres na tila napikon sa mga bashers.
***
GRABE rin ang naging pagod ni Alden Richards late last year. Halos sabay kasi niyang ginawa ang seryeng Pulang Araw at pelikulang Hello Love Again with Kathryn Bernardo. Worth it naman dahil sa kinita ng HLA at nakapagtala pa ng record bilang highest grossing Filipino film of all time. Kaya naman ang tanong whats next for Alden? Napabalita noon na gagawa siya ng pelikula kasama si Julia Barretto at meron pa ngang Heaven Peralejo kung saan isa siya sa mga producers.
Marami agad ang napatanong nang may lumabas na photo ni Alden at Julia na nagre-recording. Akala ng netizens ay recording na iyon para sa pagtatambalan nilang pelikula yun pala sa endorsement lang.
Maaalalang last year pa nabalita na magtatambal sila sa pelikula at dapat, mas nauna pa sa Hello, Love, Again. But for some reasons, hindi natuloy na hindi rin naman sinabi ang dahilan kung bakit.
Isa pa rest muna raw sa acting si Alden at babalik muna sa hosting.