Advertisers

Advertisers

Bela inilaglag ang Swiss-Italian dyowa

0 18

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MULI na namang ipinakita ni Bela Padilla ang kanyang free diving skills sa kanyang Instagram.

Sa isang video, masisilip ang aktres na sumisisid sa dagat sa isang pamosong tourist destination sa Bohol.



Pinusuan ito ng maraming netizens kabilang na ng kapwa celebrities tulad nina Kim Chiu, Vina Morales, Angelica Panganiban at iba pa.

Isa namang katekaterang netizen na may handle na Bhel ang nang-change ng topic at nang-urot sa kanya tungkol sa kanyang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Bay.

Sey ng nasabing netizen: “Hiwalay na ba sila ng fiancé niya?”

Hindi naman pinalagpas ni Bela ang nasabing komento ng nabanggit na IG follower.

“May fiancé na pala ako?” komento ni Bela with a laugh emoji.



Matatandaang kamakailan lang ay napikon din si Bela nang kumalat ang mga espekulasyon na kasal na sila ng kanyang boyfie.

Hindi naman niya kasi ikinakaila na inlababu siya sa nobyo at intact ang kanilang relasyon ng afam na boyfie pero wala pa talaga sa kanilang mga plano ang magpatali sa isa’t isa.

Never pa rin na napag-usapan nila ang pagpapakasal lalo pa’t meron pa silang mga prayoridad sa buhay.

Nakakuha naman ng kakampi si Bela sa ilang netizens na ipinagtanggol ang aktres at binatikos ang naturang katkaterang netizen.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“hahaha pala desisyon kayo”

“nope ldr lng Kase nasa Philippines si bela Ngaun”

“do you really ask that “?” In that very beautiful video of hers? ????”

“malapit na”

“nope.. hindi po..”