Advertisers

Advertisers

Land for the Landless Program (LLP) ni Mayor Honey, pinuri ni Konsi Bong Marzan

0 10

Advertisers

PINURI ni Asenso Manileño candidate for councilor sa ika-4 na distrito ng Maynila, Konsi Bong Marzan ang Land for the Landless Program (LLP) ni Mayor Honey Lacuna kung saan tinupad nito ang pangarap ng 171 pamilyang Manileño na magkaroon ng sariling lupa matapos pagkalooban ang mga ito ng sariling titulo para sa mga lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay.

Ang LLP ay programang sinimulan ni Mayor Honey at dahil dito ay nagkaroon ng seguridad sa mga lupang kanilang tinitirhan ang daan-daang pamilya matapos i-award sa kanila ang mga titulo ng nasabing lupa.

Mula sa ika-3 distrito, 20 awardees ang nagkaroon ng sariling lupa, 13 awardees naman ang mula sa
Ika-2 distrito, habang 132 awardees naman ang tumanggap ng kanilang sariling titulo sa ika-5 distrito at 6 na awardees sa ika- 6 na ika-6 na distrito.



Sa kabuuan ay umabot na sa 775 benepisyaryo ang nabigyan ng sariling titulo sa ilalim ng nasabing programa.

Nabatid kay Marzan na titiyakin ng lady mayor na hindi hihinto ang Manila Urban Settlements Office sa paghahanap ng solusyon sa problema sa pabahay sa kabisera ng bansa at kanila itong ipatutupad ng may buong katapatan sa lahat ng anim na distrito ng Maynila.

Samantala ay umabot naman sa mahigit dalawang libo ang dumalo sa isinagawang ‘Ugnayan’ kasama sina Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at ang buong Asenso Manileño tiket na kinabibilangan nina Congressional candidate Dr. Giselle Maceda at anim na candidates for councilor sa ika-4 na distrito na kinabibilangan nina incumbent Councilor Science Reyes, Dr. Dianne Nieto, Roy Bacani, Freddie Bucad, Christian Floriendo at Liga ng mga Barangay Director Konsi Bong Marzan . Ginanap and nasabing Ugnayan nitong Sabado sa Asca Covered Court, Aurollo St, Sta. Mesa.

Nabatid na hinati sa dalawang batch ang Ugnayan kung saan pawang mga head of the families muli sa iba’t-ibang barangay ang piling mga audience.

Umabot sa bilang na 546 ang hof mula sa Brgy.428 sa ilalim ni Ch. Teodolo Isla, habang nasa 800 naman ang bilang ng hof mula sa
Brgy. 419 sa ilalim ni Ch. Erwin Molina . Dakong alas-8:30 ng umaga ng isagawa ang unang batch ng ‘Ugnayan.



Dakong alas-2:30 ng hapon ng isagawa ang ikalawang batch ng Ugnayan kasama pa rin sina Lacuna, Servo at ang Asenso family.

Mga hof naman na umabot sa 493 ang bilang ng Brgy.426 sa ilalim ni Ch. Neri Ann Dela Cruz,habang 800 naman Ang bilang ng mga hof mula sa
Brgy. 417 sa ilalim ni Ch Darwin Salapong.. Sa kabuuan ay inabot ng 2,759 ang lahat ng hof na dumalo sa ‘Ugnayan’ na pinagkalooban ng P1K bawat isa at 3 kilong bigas bawat isa. (ANDI GARCIA)