”Turnover Ceremony’ ng 40 units ng Infusion Pump sa Jose Reyes Memorial Medical Center, isinagawa ng Rotary Club Mla JP Laurel Malacanang
Advertisers
Nagsagawa ng ‘Turnover Ceremony’ ng 40 units ng Chemotheraphy Infusion Pump ang Rotary Club of Manila JP Laurel Malacanang sa Jose Reyes Memorial Medical Center – Section of Medical Oncology sa tulong ng Rotary International sa pamamagitan ng The Rotary Foundation at Hermie Esguerra & (Pdg) Joyce Ambray Foundation, 3:00 ng hapon nitong Biyernes, Febrero 7, 2025 sa nasabing ospital.
Pinangunahan ni Charter President Catherine ‘Cathy’ Tindoy at Magical Inspirational President Manuel “Jeff” Parilla ng District 3810 ang pagkakaloob ng Infusion Pump sa Dept. of Oncology ng Jose Reyes Memorial Medical Center .
Kasama sa nasabing okasyon si District 3810 Representative Mark Eugene Tan.
Tinanggap nila Medical Center Chief Dr. Wenceslao S. Llauderes at Chief of Oncology Dept. Dra. Solidad Lim Balete ang donasyon 40 units ng Infusion Pump kung saan 800 patients ang makikinabang dito.
Isinalaysay ni CP Tindoy kung ano ang nagbunsod sa kanya kung bakit ang Jose Reyes Memorial Medical Center-Department of Medical Oncology ang inilapit niya sa kanilang rotary na maging beneficiary ang nasabing ospital dahil sa naranasan at nakitang hirap ng mga pasyente doon.
Aniya, isa ang kanyang asawang si PP Richard ang naging pasyente sa nasabing ospital upang sumailalim sa chemotherapy dahil sa cancer. Sa kabutihang palad isa na ngayong cancer free. At bilang pasasalamat ay naisip na tulungan ang nasabing ospital dahil hindi lang sumasaklaw ito sa mahihirap pati na rin sa nakakaangat sa lipunan.
Ang infusion pump isang medikal na aparato na naghahatid ng mga likido, tulad ng mga sustansya at mga gamot, sa katawan ng isang pasyente na meron tama at kontroladong dami. Malawakang ginagamit ang mga infusion pump sa mga clinical settings tulad ng mga ospital, nursing home, at sa tahanan. At ang oncology dept., ang departamento na tumatalakay sa paggamot at pagsusuri ng mga sakit tulad ng anemia, trombosis, mga sakit sa pamumuo ng dugo, pati na rin ang mga uri ng kanser tulad ng leukemia, lymphoma, at myeloma.
“Malaki ang maitutulong ng infusion pump dahil magiging accurate ang pagtingin sa mga pasyente,” wika ni Dr. Llauderes.
“Itong mga tumutulong sa Jose Reyes Hospital ang nagbibigay sa amin ng ispirasyon para magpatuloy na manggamot sa mga maralitang pasyente, kaya salamat sa mga walang sawang taong may mabubuting kalooban,” dagdag pa ni Dr. Llauderes.