Advertisers

Advertisers

‘SPY PLANE’ NG US ANG BUMAGSAK SA MAGUINDANAO: 4 PATAY!

0 15

Advertisers

NITONG Pebrero 6, 2025, isang aircraft na kinontrata ng U.S. Department of Defense ang bumagsak sa probinsiya ng Maguindanao del Sur.

Ang aircraft ay nagbibigay ng intelligence, surveillance, at reconnaissance support ayon sa kahilingan ng kaalyadong Pilipinas. Ang insidente ay nangyari habang nagsasagawa ng routine mission bilang suporta ng US-Philippine security cooperation activities.

Kinumpirmang walang nakaligtas sa insidente. Apat ang sakay ng eroplano, kabilang ang isang US military service member at tatlong defense contractors.



Ang pangalan ng mga crew ay hindi muna isinasapubliko habang hindi pa nakakarating sa mga kamag-anak ng mga biktima ang pangyayari.

Ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano ay kasalukuyan pang iniimbestigahan.