Advertisers

Advertisers

Sen. Revilla aminadong marami pang nakabiting panukalang batas na hindi naipasa sa Senado

0 10

Advertisers

AMINADO si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr na marami pa siyang nakabiting panukalang batas na hindi naipasa sa Senado bago magsara ang sesyon nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Revilla, nagkapatong-patong ang kanyang mga inihaing panukalang batas, kabilang na rito ang local infra bills na makakatulong sa pag-unlad ng buhay ng mga nasa kabukiran, ang gawing 56 ang edad ng mga senior citizen sa halip na 60, at marami pang iba na karamihan ay pakikinabangan ng mga lolo, lola, mga magulang at estudyante.

Sa oras aniya na muli siyang palaring maluklok muli sa Senado, madali na aniya niyang maihahaing muli ang kanyang mga panukala upang maging isang ganap ng batas.



Sabi pa ng Senador, handa na rin siyang sumabak sa nalalapit na kampanyahan para sa muling pagtakbo bilang Senador at kabilang na rito ang paghahain niya sa tao ng kanyang mga naipasang batas at mga nagawa, pati na ang mga gagawin pa niya sakaling magwaging muli sa halalan.

Ibinahagi sa media ni Senator Revilla ang kanyang mga pahayag nang maimbitahan ni Manila 5th District Congressman Irwin Tieng Huwebes ng umaga na bumisita sa distrito ng kongresista sa Malate, Manila upang makasama ang kanyang mga kababayan at makapagpasalamat na rin sa kanilang pagtangkilik sa kanyang pelikulang “Walang Matigas ng Pulis sa Matinik na Misis”.

Nauna rito’y sinamahan muna ng kongresista si Sen. Revilla sa paglibot sa Paco Market at San Andres Market upang magpasalamat at mamahagi ng mga souvenir na t-shirts at apron sa mga vendors na tumangkilik sa kanilang pelikula ni Beauty Gonzales na kanyang leading lady bago nagtungo sa Dakota Covered Court kung saan nakatakda namang ipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa may 3,000 benepiyaryo ang P2,000 pinansiyal na tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).