Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
AYON kay Mark Herras, hanggang ngayon daw ay nakararamdam pa rin siya ng matinding kalungkutan at anxiety kapag naaalala niya ang LGBTQ couple na umampon, nag-alaga at nagpalaki sa kanya, na sina Hermie at Jun.
“Actually, parang, feel ko, hindi ko siya nalampasan until now. Doon nabuo ‘yung depression, anxiety.
“Kapag meron akong sini-celebrate na death anniversary nila, minsan sobrang nagbi-breakdown ako kapag mag-isa ako,” sabi ni Mark sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda”.
Patuloy niya, “One time, I remember, I think, huminto ako sa isang expressway. So parang tinatanong ko sila, ‘Did I ever say thank you to you guys?’
“Iyak ako, iyak ako. Kumbaga hindi ko siya nalagpasan. Hindi ako nakakapagluksa nang maayos,” lahad pa ni Mark.
Pero naisip din ng aktor na kailangan niyang mag-move on para sa sarili at sa kanyang pamilya.
“But I need to move on. Kasi meron na akong sariling pamilya na binubuhay. ‘Yung anak ko, ‘yung magiging anak ko. And then my wife.
“At hindi naman ako pinabayaan ng mga in-laws ko, sobrang thankful, sobrang suwerte ako sa kanila,” aniya pa.
Inamin niyang hindi niya madalas nadadalaw ang mga kinilalang mga magulang ngunit palagi naman daw nasa puso niya ang mga ito.
“So, imbes na mag-grieve ako, imbes na malungkot ako, mag-depress ako, at alam mo ‘yun, ‘yung sarili ko, pabayaan ko, eh lumalaban ako sa buhay kasi meron akong kailangan buhayin,” pahayag pa ni Mark.
Sumakabilang-buhay ang Daddy Jun ni Mark taong 2014, habang pumanaw naman ang kanyang Tito Hermie o Herminigildo Santos noong 2016.
***
SINA Nika De Guzman as Elisha, Grace Rosas Tayo, as Kara at Jeremiah Allera as Max, ang main cast sa zombie movie na Lisik Origin Point mula sa direkyon ni John Renz Cahilig at produced ni Mr. Dominic Orjalo para sa kanyang Domniel International Films Production.
Sa naganap na media conference, ikinwento ni Mr. Orjalo kung bakit nag-produce siya ng pelikula.
“Actualluy, I am passionate for films,” sabi niya.
“Ang Lisik Origin Point ay tungkol sa mga estudyante, how their normal lives were disrupted. So, you can see, if you watch the movie, makikita natin ‘yung mga interrelationship nila sa isa’t isa, kung paano sila namumuhay, kung sino ‘yung mga magkakaibigan, sino ‘yung mga kagrupo.
“And then, dun sa story, suddenly, their world goes upside down because of an experiment done by one of their professors na nag-cause nitong zombie outbreak na ito. So, mai-explore po natin sa movie ‘yung resilience ng mga student, resilience ng friendship nila at pagtutulungan nila, at saka ‘yung value ng loyalty,” sabi ni Mr. Orjalo tungkol sa kanilang pelikula.
At para ma-achieve aniya ang ibang approach nila sa pelikula gumamit na sila ng artificial intelligence. “‘Yun po ang gusto ng kabataan, ng mga millennial, mga young at heart. Saka ‘yung zombies sa ibang movies predictable, eh. Parang normal lang siya eh, unlike ito kakaiba kasi gumamit kami ng artificial intelligence o AI, gumamit kami ng CGI, mga visual effects kakaiba ‘yung amin, na hindi pa nakikita sa mga Philippine movies,” dagdag pa niyang paliwanag.
Ang Lisik Origin Point ay mapapanood na sa mga sinehan simula sa Febuary 19.