Advertisers
Ni Beth Gelena
LUMABAS na ang karakter ni Maris Racal sa Incognito.
Habang naglalakad ay nagkabanggaan sila ni Anthony Jennings.
Kahit may isyu sa MaThon parang hindi na naman big deal iyon sa netizens.
Nagkabanggaan lang ang celebrity couple, nagkatinginan, pero ang lakas ng dating nila sa mga manonood.
Komento nga ng netizens, “Subrang lakas ng MaThon sa 1st appearance nila.
Umani agad eto ng 23.2M.
Sa Netflix na nag-uusap lang sila ay 7.7M agad ang views.
At hindi maitatanggi na ang tambalan nila ay isa sa inaabangan sa series with Richard Gutierrez at Daniel Padilla.
Hindi rin nagpapigil sa aktingan ang MaThon.
Si Maris, ang lakas ng dating kahit naglalakad pa lang at may kausap sa telepono.
***
CHARO GINUNITA ANG KABUTIHAN NI DEO ENDRINAL
GINUNITA ni Charo Santos ang first death anniversary ni Deo Endrinal.
Um-attend ang beteranang aktres to commemorate the late head of Dreamscape Entertainment.
Sa kanyang Instagram Stories, shinare ng former ABS-CBN boss ang mga larawang kuha sa gathering.
Ang caption, “A heartfelt gathering on the 1st death anniversary of our dear colleague, @deo_endrinal, to honor and celebrate his life and legacy. It was wonderful to see you, @chinitaprincess, @jennipearls, and Inang.”
Dagdag pa niya, “We miss you so much, Deo.”
***
CHITO NAWALAN NG BOSES SA PAGJA-JAMMING
NAWALA ang boses ni Chito Miranda habang nasa gig sila ng Parokya ni Edgar.
Mahigit 30 years na sa music world ang grupo, pero ngayon lang nangyari sa vocalist ng Parokya ni Edgar na mawalan ng boses sa gitna ng pag-jajaming.
Nitong February 1ay nagkaroon ng aberya ang boses ni Chito habang sila ay nagpe-perform sa La Union last February 1.
Sa Instagram account ni Chito, sinabi niyang he suddenly lost his voice in the latter part of their show, which also included Kamikazee band members Jay Contreras and Bords (Allan) Bordeos.
“Sobrang saya ng gig namin kagabi sa Alpas, La Union. More than 2hrs yata ‘yung set namin, tapos biglang nag-jam pa si Jay at Bords ng KMKZ. Pero nung mga last few songs, nawalan na ako ng boses, and it was obvious na hirap na ako kumanta, so I kept on apologizing to Jay and my bandmates…sabi ko di ko na kaya.”
“Tapos may sinabi sa akin si Jay na bigla akong nahimasmasan. Sabi nya, ‘Ok lang ‘yan, Chits…di naman tayo sikat dahil magaling tayo eh. Sikat tayo kasi masaya lang tayo’ sabay tawa.”
“Ayun, kumanta nalang ako ulit na walang paki, and just enjoyed the last few songs hangga’t matapos yung set. Minsan may sense din kausap ‘yung ungas na yun eh.”