Advertisers

Advertisers

Madam Baby Go producer na, artista pa!

0 9

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SA tuwing kaarawan ng mega lady producer na si Baby Go ay laging punong-abala ang mega line producer na si Dennis Evangelista.

Tulad na lamang nitong nakaraang Miyerkules ng gabi, February 5, isa na namang bonggang birthday party ang idinaos sa iconic venue na Valle Verde Country Club sa Pasig para sa reyna ng BG Films Production International kung saan si Dennis ang aligaga.



Napuno ang grand ballroom ng naturang venue at ilan sa mga espesyal na bisita ay ang multi-awarded actor na si Allen Dizon kasama ang pamilya niya, tulad ng anak niyang beauty queen at aktres na si Nella Dizon; ang aktor na si Paulo Gumabao na bida sa Spring in Prague na upcoming film ng Borracho Films ni Attorney Ferdinand Topacio na bisita rin (at umawit) sa party ni Madam Baby.

Dumalo rin sa party ang actress/singer turned pilot na si Janah Zaplan, at ang beauty guru na si Cory Quirino.

Speaking of Janah, ang ganda ng dalaga at mahusay kumanta.

Pretty singing lady pilot si Janah, huh!

Hindi rin nakalimot sa kaarawan ni Madam Baby ang isa sa mga paborito naming direktor na tulad namin ay taga-Laguna (Pagsanjan siya, Biñan kami) si direk Louie Ignacio ng TiktoClock ng GMA.



May pasabog na announcement si Dennis sa party; kung nakilala si Madam Baby bilang producer ng BG Films Production International, this year ay magbibida sa isang heavy drama short film si Madam Baby.

At ang titulo ng pelikula? “Madam”!

Speaking of BG Films Production International, sinimulan ni Madam Baby ang kanyang film outfit noong 2012 sa pamamagitan ng pelikulang Lihis starring Lovi Poe, Joem Bascon and Jake Cuenca.

Sa kasalukuyan, kahit dumaan pa ang pandemya, nakapag-produce na siya ng labing-anim na pelikula.

And more to come pa na mga movies this year at sa mga susunod na mga taon.