Advertisers

Advertisers

LOCAL OFFICIALS, PNP PATONG NGA BA SA ILIGAL NA SUGAL SA MANGALDAN,PANGASINAN?

0 20

Advertisers

Galing nga ba sa operasyon ng iligal na sugal ang panustos sa kampanya ng grupo o partido ng alkalde at bise alkalde ng Mangaldan, Pangasinan?

Ito ang sumbong sa inyong lingkod ng ilang dismayadong kapulisan ng mismong Mangaldan PNP kung kaya’t di mapatigil ang operasyon ng peryang may sugal sa nasabing bayan.

Inutil umano ang hepe ng kapulisan dito na si Police Lt.Col.Roldan Cabatan.



Pati umano si PNP Regional 1 Director,General Lou Evangelista ay walang takot umanong pinangungulekta ng payola ng tatlong nagpapakilalang bagmen ng PNP Region 1 Police command na sina alyas Ponga,De Vera at Castro.

Ang malupit pa,kinilalang mga tauhan umano nina mayor at vice mayor ang kausap ng mga gambling operators sa Mangaldan para umano sa fund raising ng dalawang pulitiko na gagamitin sa eleksyon.

Ang salot na sugal sa Mangaldan ay mitsa umano ng gulo sa nasabing bayan.

Ilang mga ginang na rin ang lantarang nagrereklamo sa masamang epekto ng iligal na sugal sa kanilang pamilya at kabuhayan.

Imbes umanong pambili na lamang ng kanilang makakain at iba pang pangangailangan ay napupunta pa sa lukbutan ng mga salot na operators ng sugalan.



Magdamagan umano ang mga sugalang ito sa lahat halos ng mga barangay ng Mangaldan.

Magmula pa ito bago mag- Pasko ng nakaraang taon hanggang sa ngayon.

Bakit kaya sa halip na magalit si General Evangelista sa mga taong ginagamit ang kanyang pangalan sa operasyon ng illegal gambling sa kanyang AOR ay tahimik lamang ang mamang heneral?

May quota nga ba itong obligasyon sa Kampo Crame at sa DILG?

Hindi lamang kasi sa probinsiya ng Pangasinan talamak ang iligal ba sugal kundi sa buong area ng PNP Region 1.

Palagay natin ay may katotohanan ang ipinagyatabang nina Ponga, Castro at De Vera na direkta nilang nire- remit ang kanilang nakukulektang inteligensiya sa mabunying RD ng PNP Region 1.

Lalo na ngayong eleksyon kung saan marami sa mga lokal na opisyal na kumakandidato ay sinusuportahan ng mga iligalista.

Pati ba drug money ay pinapatulan ng mamang heneral ?

May ugong kasi na itong sina Ponga, Casto at De Vera ay pasok din sa protection racket ng mga kilalang drug personalities ng Region 1.

Paging DILG Secretary Jonvic Remulla, nationwide na po ba ang operasyon ng droga at sugal sa ating bansa Mr. Secretary sir kung kaya sona- libre nang dineklara ng mga PNP officials ang mga ito para makalikom ng pondo ?

Nagtatanong lamang po mahal na Kalihim!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com