Advertisers

Advertisers

JMCIM walang iiendorsong pulitiko sa kanilang 50th Golden Church Anniversary

0 50

Advertisers

WALANG sinumang pulitiko ang JESUS Miracle Crusade International Ministry (IMCIM), Isa sa pinakamalaki at matagumpay na Apostolic churches sa Pilipinas sa kanilang pagdiriwang ng 50th Golden Church Anniversary ngayong Linggo, February 9, 2025.

Sa kabila nito sinabi ni Beloved Minister Filmore Awas na iginagalang nila ang lahat sa kanilang paniniwala at sa kung anuman ang gusto nilang sabihin patungkol sa isang pulitiko. Gayunman nanatiling non political o apolitical ang kanilang JCMIM.

Nagpahayag din ng isang panalangin ang JCIM para sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa kanyang pamunuan at sa kanyang kaligtasan at kabutihan.



Nabatid na ang isang buong araw na pagtitipong ito ay inaasahang dadaluhan ng milyong mga mananampalataya bilang araw ng pasasalamat at pananampalataya at pagpapahayag ng tunay na mensahe ng Panginoon at ito ay walang iba kundi kaligtasan.

Ang nasabing pagtitipon ay selebrasyon din ng 50 taon ng. milagro, kaligtasan at hindi kukupas na pananampalataya.

Simula ng itatag ito noong 1970s, ang JMCIM ay naging maningning na testamento ng kapangyarihan ng Panginoon, ng kanyang, grasya, ng kanyang awa na humipo sa buhay ng milyong katao sa buong Pilipinas. Sa ilalim ng liderato ni Beloved Honorable Evangelist Pastor Wilde E. Almeda at ng kanyang mapagmahal.na asawa , Beloved Honorable Assistant Pastor Lina C. Almeda, ang ministry ay patuloy na lumago at nagpakalat ng full gospel of salvation, healing, and deliverance to the world.

Inaanyayahan JMCIM ang publiko na dumalo sa banal at makasaysayang selebrasyon ng renewal, revival, at malalimang pagtugon sa tawag ng Panginoon. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">