Advertisers
MARIING itinanggi ng ilang mga miyembro ng prosecution team na mayroong kapalit na ayuda para sa mga pumirma sa ikaapat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na walang katotohanan na makatatanggap ng ayuda o pondo ang mga kongresistang pumirma sa inihaing impeachment complaint.
Tinawag ni Adiong na isa itong diversionary tactic upang sirain ang integridad ng Kamara at ang mga merito ng ipinasang complaint.
Nanawagan ang Kongresista sa publiko na huwag magpadala sa mga maling balita at sa halip at pagtuunan ng pansin ang mga grounds sa article off impeachment.
Ayon kay Adiong hindi hahantong sa ganitong senaryo kung walang nakitang mali.
Nilinaw din ni Adiong na hindi minadali ang pag-endorso ng ikaapat na impeachment complaint.
Ang paglagda sa 239 na mga kongresista ay maituturing na historic decision.
Aniya nabigyan ang mga kongresista ng kopya ng complaint at sapat na panahon upang kanila itong mapag-aralan.
Samantala, nagpasalamat naman si Congressman Lorenz Defensor kay Pangulong Bongbong Marcos sa pagrespeto sa separation of powers ng Ehekutibo at Lehislatura.
Nirerespeto naman anila ang magiging timeline ng Senado kung kailan ito magko-convene para sa impeachment trial ngunit inaasahan nilang magiging impartial o walang kinikilingan ang mga senator judge.
Samantal ang aticles of impeachment laban kay VP Sara hindi naihabol sa huling araw ng sesyon ng Senado. Hindi na rin nabigyan ng pagkakataon na mabanggit sa plenaryo ng Senado na natanggap na ang articles of impeachment kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay kahit pa naisumite ng Kamara ang kopya ng articles of impeachment sa Senado matapos mapagbotohan ng 215 na mga kongresista ang reklamong pagpapatalsik sa Bise Presidente.
Nag-adjourn ang sesyon bago mag alas syete ng gabi ng miyerkules at wala ni isang senador ang tumayo para magmanifest tungkol sa natanggap na articles of impeachment laban kay Duterte.
Bago magtapos ang sesyon ay nagmosyon si Senator Joel Villanueva na adjourned na ang sesyon at muling magbabalik sa June 2, 2025.
Sa huling bahagi ng sesyon ay binasa ni Villanueva ang Senate Resolution 21 kung saan binibigyang awtorisasyon ang lahat ng mga regular standing committees, oversight committees at special committees na magsagawa ng pagdinig, pulong at konsultasyon tuwing recess.
Subaybayan natin!
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.