Advertisers
DINOMINA ng Batang Pinoy medalist Kyle Jhazmin Clarito ang elementary girls category ng division qualifier para sa Palarong Pambansa chess competition Huwebes sa Pasig City Elementary School.
Ang Grade 6 learner sa Sacred Heart Academy of Pasig ay may perpek score na six points sa double-round tournament, nagwagi laban kay Amber Mariana Maravilla ng Saint Paul College-Pasig (4.0 points) at Micah Ella Andrea Daes ng San Lorenzo Ruiz Elementary School (2.0 points).
Clarito ay Maravilla umabante sa National Capital Region Palaro na nakatakda sa Marso 17 hanggang 21 sa Makati City.
“I will do my best. The competition in NCR Palaro is very tough,” Wika ng 12-year-old Clarito sa panayanm Biyernes.
Nakupo ni Clarito ang silver (rapid) at ang bronze (blitz) medals sa 2024 Batang Pinoy National Finals sa Puerto Princesa, Palawan. Sa preparasyon para sa NCR Palaro, lalahok siya sa 5th AQ Prime Standard Open sa Pebrero 15 to 16 sa Robinsons Metro East.
Sa the boys category, Sebastian Christoff Tan umiskor ng five points para makupo ang gold medal. Nathan Keith Alcantara (3.0 points) at Kurt Evan Caliva (2.5 points) nagkasya sa silver at bronze medals, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, Frank Stephanie Engles nasungkit ang high school girls gold medal. Eumi Funtera nakuha ang silver habang si Christelle Juliene Abeleda binulsa ang bronze.
Sa boys category, Andrew James Toledo nasilo ang gold medal, Gabriel Ryan Paradero nagwagi ng silver at John Carlo Hermosa binulsa ang bronze.
Ang top two finishers sa bawat category ay kikita ng slots sa NCR Palaro.