Advertisers
SINISIKAP ng pamahalaan ng Pilipinas na makapagtatag ng isang responsive o mas tumutugon, inklusibo, at transparent na pamamahala, alinsunod sa mga pandaigdigang pangako nito na itaguyod ang bukas at participatory governance.
Ito ay sa ilalim pa rin ng inisyatibong “Bagong Pilipinas.”
Sa kanyang talumpati sa 2025 Open Government Partnership (OGP) Asia and the Pacific Regional Meeting (APRM) na ginanap sa Taguig City, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dedikasyon ng kanyang administrasyon na mapanatili ang momentum ng mga pinakamahusay na praktika sa pamahalaan.
Binanggit ng Pangulo na ang akses sa impormasyon, transparency ng pamahalaan, digitalization, at pagtatatag ng freedom of information ay nagiging daan para mas makilahok ang mga mamamayan sa pamamahala.
Inilahad din niya na ang mga inisyatibo tulad ng Citizen Participatory Audit Program, Grassroots Participatory Budgeting, at ang Open Data Portal ay nagbigay ng pandaigdigang pagkilala sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng mga nabanggit na programa, napalakas ang pagpapatupad ng mga polisiya at programa ng gobyerno.
Ayon kay PBBM, mahigit 4,000 yunit ng pamahalaan at mga civil society organizations (CSOs) ang nagpahayag ng kanilang pangako sa bukas na pamamahala sa pamamagitan ng pambansang kampanyang “OGPinas!”
Itinatag noong 2011, ang OGP ay naglalayong itaguyod ang transparency at accountability, bigyang kapangyarihan ang mga mamamayan, labanan ang korapsyon, at gamitin ang mga makabagong teknolohiya upang mapalakas ang pamamahala sa mga kasaping bansa.
Sa bisa ng Executive Order No. 31 na nilagdaan ng Pangulo noong Hunyo 2023, na-institutionalize ang Philippine OGP bilang isang multi-stakeholder partnership.
Ang Pilipinas ay isa sa walong founding members ng OGP, kasama ang Brazil, Indonesia, Mexico, Norway, South Africa, United Kingdom, at United States.
Sa kasalukuyan, kung hindi ako nagkakamali, ang OGP ay binubuo ng 75 kasaping bansa, 106 lokal na pamahalaan, mga CSOs, at multilateral partners.
Nagpasalamat naman ang Presidente sa OGP para sa pagkakataong maging host ang Pilipinas sa pulong na ito sa unang pagkakataon matapos ang 14 na taon.
Hinimok din ni Pangulong Marcos ang mga stakeholder na maging mga tagapagtaguyod ng accountability, upang mapalalim ang tiwala ng komunidad sa pamamagitan ng “impactful dialogues, concrete action, at genuine support.”
***
Catch Gilbert Perdez’s “Barangay 882” radio show every Saturday from 4:00 PM to 5:00 PM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ ON-DEMAND on YouTube. You can contact him via email at gil.playwright@gmail.com or through this number: 0991-3543676.