Advertisers

Advertisers

Walang impeachment trial vs VP Sara habang naka-break ang Senado – SP Escudero

0 15

Advertisers

WALANG mangyayaring impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte habang naka-break ang Senado.

“Wala. Legally, it cannot be done. Again, as I’ve said, because the impeachment court was not convened,” wika ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa Kapihan sa Senado.

“The impeachment complaint was not referred to the plenary for there to be a basis for the impeachment court, to be convened by the Senate sitting as a legislative body. Hindi muna as an impeachment court,” paliwanag ni Escudero.



Kailangan din aniyang i-verify ng Senate secretariat ang mga lagda sa impeachment complaint at rebisahin ang mga patakaran. Ang mga binagong tuntunin aniya ay kailangang aprubahan ng Senado.

Ang pinakamaagang aksyon umano ng Senado sa impeachment ay maaaring maganap sa Hunyo 2.

“Kung may mangyayari mang aksyon o kaganapan kaugnay nito ‘yan ay mangyayari sa June 2, pag-resume ng Senado matapos ang eleksyon at pasya ‘yan ng mayorya sa Senado,” ayon pa kay Escudero.

Nag-adjourn ang Senado nitong nakaraang Pebrero 5, 2025, at nakatakdang muling magpulong sa Hunyo 2, 2025. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">