Advertisers

Advertisers

PBBM aminado ‘di kayang tapatan ang mga barko ng China

0 3

Advertisers

INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala ang Pilipinas sa posisyon na mapaalis ang malalaking barko ng China.

Ito’y dahil kulang aniya ang bansa sa mga kagamitang pandigma gaya ng aircraft carrier, destroyer, frigate, at submarine.

Gayunpaman, sa press briefing sa Malakanyang, tiniyak ng Pangulo na ipagtatanggol ng Pilipinas ang soberenya nito.



Aniya, misyon ng Coast Guard at Navy na protektahan ang territorial integrity ng bansa, kahit anuman ang gawin ng mga dayuhang barko tulad ng banggain ang barko ng Pilipinas, mag-water cannon, o mag-block ng ruta.

Samantala, nilinaw ni Pangulong Marcos na walang direktang tugon mula ang dayuhang bansa hinggil sa typhoon missile deal at ang usapin ng pagbawas ng tensyon sa rehiyon.

Paliwanag ng Pangulo, general terms o pangkalahatan la‘mang ang tugon ng mga dauhan, na nagsasabing ang kanilang mga aktibidad ay bahagi ng kanilang karapatang ipatupad ang batas. (Gilbert Perdez)