Advertisers

Advertisers

PAMAHALAAN GAGAMIT NG SPEED LIMITER SA MGA BUS AT TRUCK

0 11

Advertisers

ITINUTULAK ng pamahalaan ang paggamit ng speed limiter para sa malalaking sasakyan tulad ng mga bus at trak.

Ginawa ng Department of Transportation (DOTr) ang pahayag matapos matalakay sa pagdinig sa Senado ang mahalagang responsibilidad ng ahensya na tiyakin ang kaligtasan ng mga sasakyan sa lansangan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOTr Undersecretary Jesus Ferdinand ‘Andy’ Ortega na nakatakdang ipatupad ang mga hakbang upang masigurong roadworthy ang mga sasakyan sa ilalim ng pangangasiwa ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).



Aniya, ang mga speed limiter ang maglalagay ng limitasyon sa bilis ng mga sasakyan, na hindi dapat lalampas ng 80 kilometro bawat oras.

Sinabi ni Ortega na lumitaw sa mga pag-aaral na ang mababang speed ay nakababawas sa tindi o epekto ng aksidente at nagdadala ng mas mataas na antas ng kaligtasan sa mga pasahero at pedestrian.

Bukod dito, nais ding paigtingin pa ng pamahalaan ang proseso ng motor vehicle inspection. (Gilbert Perdez)