Advertisers

Advertisers

Pagpapatupad ng election gun ban walang sisinuhin

0 9

Advertisers

BINIGYANG-DIIN ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na hindi namimili ang Philippine National Police (PNP) at COMELEC sa mga aarestuhin sa umiiral na gun ban.

Ito ay matapos maaresto ang alkalde sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) maka-raang maharang sa isang checkpoint sa Davao City nang dahil sa pagdadala ng baril na walang kaukulang permits mula sa komi-syon.

Sinabi ni Laudiangco, wala silang pinipili anuman ang estado sa buhay at kanila itong ipaghaharap ng paglabag sa omnibus election code.



Paliwanag ni Laudiangco, sa ilalim ng batas, mahaharap sa pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon ang isang election violator at maaari ring matanggalan ng karapatang bumoto at mapatawan ng perpetual disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Si Laudiangco ay naging panauhing pandangal nitong Miyerkules sa PNP kasabay ng paglulunsad ng 100 days operational activities for 2025 elections.