Advertisers

Advertisers

LEDESMA, NAG-RESIGN SA PHILHEALTH DAHIL SA PULITIKA — MARCOS

0 13

Advertisers

KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagbitiw si Manny Ledesma bilang pangulo at CEO ng PhilHealth kaya nagluklok siya ng bagong pinuno rito sa katauhan ni Dr. Edwin Mercado.

Sa press briefing sa Malakanyang, inamin ni PBBM na nahirapan si Ledesma sa pulitika sa ahensya dahil nagmula ito sa pribadong sektor kaya naging mahirap ang kanyang pag-adjust sa public service.

Kasabay nito, ibinida ng Pangulo ang kahusayan ni Dr. Mercado bilang bagong pinuno ng PhilHealth, lalo na sa larangan ng hospital administration at insurance.



Makaraan ang kanilang mahabang pag-uusap, sinabi ng Pangulo na napagkasunduan nilang gawing prayoridad ang digitalization upang mapabilis ang pagproseso ng claims at applications.

Marami aniyang ideya si Mercado para gawing mas inclusive at mas mapalawak pa ang serbisyo ng PhilHealth. (Gilbert Perdez)