Advertisers
ANONG klaseng politìcal environment meron tayo sa Pilipinas?
Mantakin bang ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa na ibinoto ng higit 32 milyones na Pilipino ay i-impeach lang 215 na miyembro ng Kongreso sa mababang kapulungan + 16 sa Senado pag nagkataon para sa coviction sa paratang na niluto lang ng mga kongresistang elitista,
komunista at mainstream media na kumonsinti ng kabulukang sistema dahil sa kinang ng pera.
Totoo pa rin ang gasgas nang linyang ..sa politika, walang permanenteng kaibìgan at kaaway,ang permanente ay sariling interes lamang.
Patunay nito ay ang mga pulahang komunistang makabayan daw na na- infiltrate na ang kongreso pati mga pinklawan na noon ay sukang-suka sa pangalang Marcos pero ngayong nasa poder na ito ay halos sambahin nila ang matalik na kaaway dahil naroon pala ang baul ng yamang di nila kikitain sa pagmamartsa sa kalsada na kanilang parliyamento nang mahabang panahon.
Halos magkandarapa sila sa tuwa at palakpak nang ianunsiyo nang pinuno na pasimuno na impeached na si VP Duterte-siya lang naman ang halos lumipol sa mga leftist sa bansa partikular sa Mindanao,pero nabuhayan sa pagpalit ng admìnistrasyon ngayon.
Ang mga kinatawan ng Party List na imbentong marginalize sector kuno pero ang mga nakaluklok ay mga kakampi ng mga nasa poder na tunay na pambala sa mga asasinasyong political parä sa number game na ang tunay na talunan sa laro ay ang sambayanang Pilipino.
Bakit hinayaang maging batas na ang may kontrol sa pondo ng bayan ay iyong mga anak ni Lucipera sa Haws of Crox na mangangamkam ng kaban ng bayan sa lantaran paraang idadahilan ang pag-ayuda sa mga mahihirap na cause ng linsyak na kurapsyon sa ating bansang di na aasenso hangga’t ninanakaw ang pondo ng mga halang na politiko.Nais nilang manatiling mahirap ang Pilipino para laging nagagamit pag nanliligaw ng boto ang mga trapo.
Dito lang may punong ehekutibo ng bansa na taliwas ang kanyang sinasabi sa tunay na pangyayari at ang kanyang utos(drama) ay di sinusunod ng kadugong kroks sa Kongreso.
Ayaw daw ng pinuno ang impeachment dahil di naman daw relevant ang kalaban pero kabaligtaran dahil anak at pinsan ang una at huli sa pirmahan, malaking kabalintunaan!
Tuloy ang ayuda sa mahirap lalo sa panahon ng kampanya kaya nga na-blangko at nasingitan ng pigura ang pirmadong BADget’25 sa bicam para masiguro ang pondo at manalo ang mga kongresistang reeleksiyonista.
Dito rin sa ‘Pinas na ang pagiging ingrato ay sampu-sampera.katuwang sa kampanya noon pero nang mapwesto ay sila pa ang unang nasipa.
Dito lang din nangyayari na ang convicted na politikong komunista ang may kakayahang magpakulong ng kalaban sa politika.
Only in the Philippines na mas makapangyarihan ang walang mandato at kontrolado ang ibinoto ng tao..your guess is as good as mine… MISMO!
Lowcut: Special shoutout kay tsokaran sportsman Darren Evangelista at kay G.Derrick Tan ng Sinclair Paints sa kanilang pagsuporta sa ating project for a cause na Danigilas Arts and Sports Clinic for Kids Free.Thanks Ka Darren & BosDerrick, ang otoridad pagdating sa pintura!