Advertisers

Advertisers

Herlene grabeng nasaktan nang di naipagtanggol ng leading man sa serye

0 18

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA mediacon ng bagong serye ng GMA 7 na Binibining Marikit, inamin ng bida rito na si Herlene Budol na nagpa-psychiatrist siya pagkatapos niyang gawin ang unang serye niya sa Kapuso network na Magandang Dilag, na kung saan ay nasangkot siya sa kontrobersya nila noon ng leading man niyang si Rob Gomez.



“Nagpa-doktor po ako para po ma-process po siya nang maayos sa akin. Kung bakit may mga ganung klase ng tao na talagang hihilahin ka pababa kapag alam nilang itinataas ka ng Panginoon,” sabi ni Herlene.

Patuloy niya, “Nagpa-help po ako sa doktor para matanggap ko ‘yung mga sinasabi sa akin ng mga tao. Kasi para ma-overcome ko po lahat. Mabigat po e na paratang sa akin. Kaya parang mahirap po yung naging sitwasyon ko at mahirap po mag-move on sa ganung sitwasyon na alam ng Panginoon kung ano yung tama at mali.”

Nakapag-move on na raw siy ngayon pero ang natatawa niya pang sabi,“Ang tanong naka-move on na ba ang mga tao?”

Sa Binibining Marikit, matitiyak ba niyang hindi uli ito mangyayari sa kanya?

“Wala na pong kainan na magaganap,” natatawang sagot ni Herlene.



“Kasi po, parang iyun naman ang pinupunta natin dito, bakit pa natin sabihin!” hirit pa niya.

“Kasi hindi mo talaga maiwasang ma-in love talaga sa ka-partner. Kaya hindi po talaga ako makapagsalita nang tapos. So ayoko pong maulit ‘yung trauma na ibinigay sa akin nung last na co-actor ko na parang ang bigat na hindi ako naipagtanggol na walang boses na magsalita. Pero dito po sa kanilang dalawa na with or without issue ay maipagtanggol nila ako,” sabi pa ni Herlene na ang tinutukoy ay ang kanyang dalawang leading man sa serye na sina Tony Labrusca at Kevin Dasom.

Sa February 10 na magsisimula ang Binibining Marikit sa afternoon drama ng GMA 7. Mula ito sa direkyon ni Jorron Lee Monroy.

***

KANSELADO ang pagpapalabas ng kontrobersyal na pelikula ni Darryl Yap tungkol kay Pepsi Paloma. Dapat ay ipapalabas ito sa mga sinehan noong Wednesday, February 5.

Ayon mismo sa statement ng direktor na inanunsiyo niya sa kaniyang facebook account, hindi na nga tuloy ang showing nito matapos umanong mabigo ang kanyang production team na makumpleto ang mga requirement na itinakda ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) bago ito palabas.

“Ipinapaabot ko sa lahat ng nakasubaybay na bigo po ang panig ng inyong lingkod na agarang makumpleto ang mga dokumentong hinihingi ng mga pamunuan ng MTRCB. Kaya’t imposible pong maipalabas sa mga sinehan ang ating pelikula sa February 5,” sabi niya sa isang Facebook post.

Sinabi na lamang niya na isinasaalang-alang din naman daw nila ang posibilidad na i-premiere ito sa ibang bansa o ipagpaliban ang pagpapalabas nito at sa halip ay sa streaming platform na lang muna.

Matatandaang sa isang pahayag nung nakaraang linggo, sinabi ng Movie and Television Review and Classification Board Chair Lala Sotto na ang pelikulang Pepsi Paloma ay hindi nila nire-review dahil sa hindi kumpletong dokumento contrary sa naunang pahayag nito.