Advertisers

Advertisers

Brgy. konsehal slay, politika isa sa nakikitang motibo?

0 33

Advertisers

TILA nakikitaan ng anggulo ng pulitika o may kinalaman sa sunod-sunod na pagbubunyag sa korupsyon sa lungsod ng Calamba ang naganap na pamamaslang kay Brgy. Konsehal Dan Vincent Borja ng Brgy. Tres Calamba City, Laguna.

Ito ang pagbubunyag ng isang blogger sa Sumbungan Channel  matapos na tambangan si Borja sa Baclaran Pasay City noong Pebreeo 3, 2025.



Ayon sa naturang blogger nag-iisang lumalaban si Borja sa kanyang lungsod kaugnay sa kanyang adhkain na labanan o tumanggi sa anumang uri ng korupsyon.

Inamin pa ng blogger na basta katiwalian tutol na tutol si Borja at matagal na niyang pinaglalaban ito noon pa mang 2022 simula pa noong mahalal siyang konsehal ng barangay sa Calamba City.

Aminado ang blogger dahil sa paninidigang ito ni Borja marami siyang nasasagasahang mga pulitiko lalo na ang kanyang mga kasamahan.

Nguni’t inamin naman ng blogger na sa kabila ng hindi nagli-live si Borja panay naman ang posting nito na lahat na below the belt na at nakakasakit ng damdamin bilang isang pulitiko at talagang may bisa at dating ang kanyang mga post.

Buo ang paniniwala ng blogger na pinagplanuhang umanong mabuti at sinundan ito sa kanyang mga lakad bago paslangin.



Iginiit ng blogger bagama’t itinuturing ng kanyang ka-barangay na isa siyang hero, aanhin mo naman itoi kung  mamamatay naman. ang isang bayani.

Itinuturing din niyang wala nang kinatatakutan pa ang mga masasamang loob at nagbalik na talaga ang kriminalidad sa bansang Pilipinas.

Tanong tuloy ng naturang blogger kung mayroon kayang nagpatahimik sa pinaslang na Konsehal at kung mayroon sino ang posible umanong nagpatahimik dito?

Matatandaang umingay sa mga balita ang Calamba Laguna noong nakaraang linggo dahil sa katiwalian diumano ng kasalukuyang administrasyon sa lungsod ng Calamba na pinaiimbestigahan sa mga ahensya ng gobyerno.

Nananawagan ang blogger sa pamahalaan lalo na sa Department of Interior and Local Government (DILG) na agarang aksyunan ang insidente nang pamamaslang kay Konsehal Borja lalo na’t isang halal ng bayan ito.