Advertisers
Ni BETH GELENA
GUEST sa Fast Talk With Boy Abunda ang P-pop group BINI kung saan natanong ng King of Talk sa mga miyembro ang may isyu sa kanila tulad ni BINI Maloi kay Rico Blanco.
Tanong ni Kuya Boy, how she addresses fake news.
“Parang hindi na siya mawawala as public figure. Parang may mga tao talaga na gagawa at gagawa ng fake news about you. And feeling ko, it just shows na you are relevant.”
“Parang you just go with your life, do what you do, just do what you love as long as wala kang natatapakan na tao. Yung fake news, nandiyan na yan, e, so parang masasabi ko lang, stop spreading fake news this 2025. Stop it,” sagot ni Maloi.
Follow up na tanong ng TV host, ano raw ba ang nasulat na fake news sa kanya.
Sey ng singer, tungkol sa dating rumors sa kanya at sa Rivermaya vocalist.
“Actually, nu’ng time na po ‘yon, dun lang ‘yung first meet-up namin ni Rico Blanco, and ‘yung friends ko are friends din niya.
“Hindi ko alam kung paano nangyari ‘yon. Siguro, may videos ‘yung Blooms (BINI fans) na in-upload sa X and then na-crop siya, screenshot na parang bad angle, so it just shows na parang nag-holding hands.”
“In-upload sa Facebook, kumalat hanggang nagkaroon na ng mga headline. Nu’ng nakita ko ‘yon, nag-tweet po agad ako sa stop spreading fake news, kasi ayoko nang lumaki pa ‘yung gulo. Gusto ko nang linawin agad,” mahabang esplika ni Maloi.
Well, kung walang apoy, walang sunog.
Just saying…
***
ANGBEKI MAY NADAGDAG SA GRUPO
FLINEX ni Angelica Panganiban ang Valentine’s Dinner’ nila ng AngBeKi (Angelica, Bela Padilla at Kim Chiu).
Aniya sa Instagram post,
“We celebrate love month this way. Importante sakin mag-celebrate ng love month na maramdaman ng mga taong mahal ko ang pagmamahal kahit kaibigan lang ang nagpapaabot ng love. Love is love, and I love my BeKi girls. Salamat sa isang gabi na napakahirap tapusin. Love you both. Gawin na natin tradition ‘to ha?”
Syempre pa, may plus one ng kasama AngBeKi, ang anak ni Angge na si Bean.
Daming netizens ang na-touch sa caption ng aktres.
Napakomento naman si Megastar Sharon Cuneta sa posted photo ni Angge.
Aniya, “Mareeeee”
Sumagot si Angelica, “@reallysharoncuneta nako mare, bet mo ba pag cook kita? Miss you my madame mare”
“I love AngBeKi+Bean,” komento naman ng isang netizen.
Si Bela nagtanong, “anong ulam today?”
“Alam nyo bang marami kayong nainspire na magkakaibigan?”
“You have the best friendship AngBeKi”
“The friendship goal love it”
Ilan pa kaya sa showbiz ang may mga ganyang magkakaibigan?
Asking lang po!!