Advertisers

Advertisers

Bgy. Kagawad tinumba sa school campus

0 9

Advertisers

Isang barangay kagawad na sikat sa kanyang masigasig na pagtulong sa mga anti-crime campaign ng pulisya ang napatay sa pananambang sa isang mataong lugar sa tapat ng school campus sa Pagadian City nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Francisco Maca Jr., isang kagawad sa Barangay Poblacion sa Kumalarang, Zamboanga del Sur, na agad na namatay sa mga tama ng bala sa ulo nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa tapat ng campus ng Saint Columban College sa Pagadian City, ang kabisera ng Zamboanga del Sur.

Sa inisyal na ulat noong Lunes ng tanghali ni Col. Restituto Pangusban, director ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, tinutugis na nila ang mga operatiba ng mga pumaslang kay Maca na mabilis na nakatakas sa kalagitnaan ng kaguluhang sanhi ng mga putok na umalingawngaw sa kapaligiran.



Ayon kay Pangusban, nagtutulungan ang mga imbestigador ng Pagadian City Police Office at ng Kumalarang Municipal Police Station sa pagkilala sa mga pumatay kay Maca upang masampahan ng mga kaukulang kaso.