Bea ‘di na priority ang magkaasawa at anak; Gladys asang makakasama pa sa project ang mga BFF na sina Juday, Claudine at Angelu
Advertisers
Ni Jimi C. Escala
UMAASA pa ang Primera Kontrabida na si Gladys Reyes na matutuloy ang proyektong pagsasamahan nila ng mga kaibigan niyang sina Claudine Barretto, Judy Ann Santos at Angelu De Leon.
Matatandaang kay Gladys mismo narinig noon ang pagsasama nilang apat sa isang project pero nagkaroon lang ng isyu ng mismong si Claudine ang umayaw na makasama si Angelu, huh!
“Hindi pa nagma-materialize.
“Pero alam mo in God’s perfect timing I believe, naniniwala ako talaga na maisasakatuparan ‘yan. Basta right time. S’yempre, schedule ng bawat isa. Importante na magharap-harap and ano, ‘di ba? Maging okay ang bawat isa,” sey pa ni Gladys.
Hindi pa rin naman knows ni Gladys kung
okay na sina Claudine at Angelu after magparinigan, huh!
“Hindi ko alam kasi ‘di ko naman sila tinatanong about that. Pero actually ang nilalambing ko sa kanila, ‘Puwede ba kayo mag-guest sa vlog ko, together?’
“Sagot nila? Hindi, kasi ‘yung isa, busy pa sa kanyang political career. Tapos ‘yung isa naman nating kaibigan din s’yempre, uh, meron ding ibang pinagkakabisihan ngayon.
“Pero alam mo, feeling ko lang, ha, ganu’n ako kalakas sa kanila na hindi nila ako matatanggihan. Feeling ko lang,” seryoso pero natatawang pahayag pa rin ng magaling na aktres.
Samantala, tuwang tuwa si Gladys Reyes sa kanyang nominasyon sa darating na PMPC Star Awards for TV bilang Best Actress in a Single Performance. Nominated si Gladys dahil sa magaling na pagganap sa isang episode ng “Magpakailanman” , huh!
***
STILL on Gladys, aminado ang aktres sa dami na ng pinagdaanan ng pagsasama nila ni Christopher ay na-reach na raw nila ang level ng maturity ng kanilang relasyon.
“Ngayon, ‘yung maliit na bagay, ‘di na pinag-aawayan pa. Hindi na, pareho kaming nagkaroon ng adjustments. Nagkaroon ng maturity pagdating sa relasyon. At we choose our battles. ‘Yung puwedeng pagtalunan at pag-awayan, sige. Pero kung puwede namang palampasin, tama na, ‘di ba? Kasi hindi naman makakatulong. Tsaka sabi n’ya, at the end of the day, kung hindi naman ito ipagkakahiwalay, kasi napakaliit na bagay lang, sayang ang oras para pagtalunan at pag-awayan,” banggit pa ni Gladys.
Hindi rin itinanggi ni Gladys na nagkaroon na rin sila ng malaking pagtatalo ni Christopher at kamuntik na ring nauwi sa hiwalayan. Yun daw ang panahon na naging busy ang Kapuso aktres bilang board member ng MTRCB at sinabayan pa ng paggawa ng pelikula at teleserye.
Maaaring natuluyan daw silang maghiwalay kung nagpabaya sila sa kanilang priority in life, which is their family.
“Hindi nagloko si Christopher. Awa naman po ng Diyos, si Christopher, ‘yung disiplina n’ya pagdating doon, ‘di ba, na to stay faithful not just to me but to our family. Napakalakas ng self-control ng asawa ko. Sa totoo lang, sabi n’ya, hindi madali. Mahirap ‘yun.
“May mga temptation na ang asawa ko, ‘di ba, ang guwapo? At the same time, matalino rin. At saka ano, tapos family man. Makikita mo talaga ang pagmamahal n’ya sa pamilya. Minsan ang lakas maka-attract noon, eh, sa ibang babae.
“Pero ang ipinagpapasalamat ko sa Diyos, ‘yung asawa ko ay… siguro ano rin ng Ama, ‘no, na hindi s’ya, ano ‘yung ginagawa n’ya para ‘di s’ya matukso. Kaya kailangan ang tulong ng asawa, ng babae doon sa part na ‘yun, para hindi ka matukso, para hindi ka ma-tempt, ‘ika nga. Kaya kung… not just ‘yung physical needs, kung anuman ‘yung pangangailangang emosyonal, uh, even mentally, ‘di ba?”balik tanong pa rin ni Gladys Reyes.
Turning 48 na si Gladys at wala na raw siyang plano na madagdagan pa ang mga anak nila ni Christopher.
“Ay, ano ba?! Magpo-48 na ako, ‘no? Hindi na. Pero may iba akong baby. Kasi may bago na akong vlog,” napatawa pang banggit ng premyadong aktres, huh!
***
SA punto ng showbiz career ngayon ng aktres na si Bea Alonzo ay mukhang hindi na priority ng aktres ang magpakasal at magkaroon ng anak.
After her break up with Dominic Roque at hindi nila itinuloy ang nakaplano na noon na kasal ng dalawa huh!
Mukhang tumahimik ang kampo ni Bea at hindi na binigyan ng panahon ang kanyang love life at paghahanap ng Mr. Right, huh!
Kumbaga, kapansin pansjn na sa kanyang career na lamang siya nag-concentrate at sa pagtutok sa kanyang mga negosyo.
Tanggap na rin ni Bea na sadyang hindi pa siya makatagpo ng lalaking magiging katuwang niya sa mga pangarap niyang bumuo ng isang masayang pamilya at malayo sa mga intriga sa showbiz, huh!
Banggit pa rin ng magaling na aktres na hindi pa raw naman siya nawawalan ng pag asa. Darating din daw ang masasabi niyang “the one” .
Kung ibibigay sa kanya ibibigay daw yun at hindi na niya kailangan na maghanap pa, huh!
May nagsasabi na mahihirapan daw na makahanap si Bea dahil mukhang nai-intimidate ang mga gustong manligaw sa kanya dahil sa napakayaman niya at sikat na sikat pa, huh !