Advertisers
Isang press statement ang inilabas ngayong araw ni ACT-CIS Party List Representative Erwin Tulfo hinggil sa paghahain ng impeachment case ng mga kapwa kongresista kahapon laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang nilalaman ng maikli subalit malaman na mensahe ang ipinaabot ng Senatorial bet Tulfo sa kanyang press statement, I’m not signing the impeachment complaint against VP Sara Duterte.
“Hindi ako pumirma sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil iniiwasan kong magkaroon ng bahid ang ating paghusga, lalo na’t may tyansang maging senator-judge tayo.
Ilang buwan na lang bago ang halalan at magkakaroon ng bagong grupo ng mga senador na sisiyasat sa mga ebidensya. Ito yung pagtutuunan natin ng pansin sakaling maging senator-judge tayo—magbigay ng hatol ayon sa mga ilalatag na ebidensya ng bawat panig.
Gayunpaman, habang wala pa sa pagkakataong iyon, patuloy tayo sa ating mga laban para mapaganda ang buhay ng mga Pilipino. Patuloy ang trabaho at pagiging kakampi ng inaapi. (Cesar Barquilla)