Advertisers
KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kontribusyon ni Thai Ambassador to the Philippines Tull Traisorat sa lalo pang paglakas ng bilateral ties sa pagitan ng Pilipinas at Thailand.
Sa isang farewell call sa Malakanyang, nagpasalamat si PBBM kay Traisorat sa pagtulong nito upang mapatatag ang alyansa ng dalawang magkaalyadong bansa.
Ayon sa Pangulo, habang nasa tour of duty sa Pilipinas si Traisorat ay nagkaroon ng signipikanteng progreso ang Philippines-Thailand cooperation sa post-pandemic recovery, economic policies, at diplomatic engagements.
Sa kanyang panig, inilarawan naman ng Thai ambassador ang kanyang panunungkulan at pananatili sa bansa bilang “very fruitful and rewarding.”
Matatandaang lumagda sa 54 bilateral agreements ang Pilipinas at Thailand na sumasaklaw sa iba’t ibang sektor, kabialng ang air services, agriculture, abolition ng entry visas, tourism, at technical, scientific, at cultural cooperation.
Maliban dito, nagkasundo rin ang dalawang bansa sa mga usapin ng illicit trafficking prevention, trade & industry, at defense logistics. (Gilbert Perdez)