Advertisers
Libong bilang ng mga supporters ng Sara Duterte (Solid) Supporters Group (SDSG) sa Marikina City ang posibleng bumitiw na sa pagsuporta sa kandidatura bilang Alkalde ng Siyudad na si 1st District Congresswoman Maan Teodoro matapos na lumagda ito para sa paghahain ng impeachment case laban sa Pangalawang Pangulo ng Bansa.
Bagamat hindi pa nakakarating sa kaalaman ni Mr. Greg Conde na siyang Administrator ng SDSG at siya ring kumakatawan bilang Vice President for National ng naturang milyong bilang ng samahan na kasama si Marikina 1st Dist. Teodoro sa 153 kongresistang pumirma pabor sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Posibleng bawiin na ng SDSG Marikina Chapter ang nauna na nitong pahayag sa pagsuporta ng grupo sa kandidatura ni Teodoro sa pagka Alkalde dahil na rin sa naging hakbang nito na naglalayong panagutin ang Bise Presidente sa iba’t ibang
kontrobersyang kinakaharap nito, partikular na ang paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).
Matatandaan, nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang impeachment move ay isang “aksaya ng oras.”
“This is not important. This does not make a difference to even one single Filipino life. So why waste time on it,” pahayag ng Pangulo.
Sa kabila nito, tinanggap ni House Secretary General Reginald Velasco ang impeachment complaint dakong 4:30 ng hapon at tiniyak na tutuparin ng Kamara ang kanilang tungkulin kaugnay nito. Ito ay sa kabila ng naunang balitang nagpadala umano ng mensahe si Pangulong Marcos Jr. sa kanyang mga kaalyado sa mababang kapulungan upang pigilan ang impeachment laban kay VP Duterte.
Ang dating 100 porsiyentong pagsuporta ng mga Sara Duterte (Strong) Supporters Group Marikina Chapter sa kandidatura ni Teodoro ay posibleng maglaho na parang bula dahil sa ginawa nitong pagsuporta sa impeachment VS Sara Duterte ay inaasahang magdudulot ng matinding reaksiyon sa politika ng Marikina. (Cesar Barquilla)