Advertisers

Advertisers

PBA, HIRIT NA SA PLAYOFFS

0 9

Advertisers

BALIK-hirit na ang top professional league Philippine Basketball Association (PBA) para sa Season 49 Commissioner’s Cup. Pambungad ang laro ng Rain or Shine (ROS) versus Converge FiberXers, kasunod ang match ng Ginebra San Miguel vs Meralco Bolts sa main game as of presstime sa Smart-Araneta Coliseum.

Sa followers, you can watch PBA games live via PPTV, PBA Rush on Cignal, Livestream sa Pilipinas Live at Cignal Play sa temang ‘ ANGAT ang LABAN’ at , ‘SAN KA? KAMPIHAN NA’ slogan.

Iba rin talaga ang epekto ng social media na hitik sa followers pero tinatapatan ng bashers..Hinahanapan ng ibang netizens ng dating overflowing crowd sa game venues ang top pro league. Dating jampacked ang PBA games dahil wala pang online outlets noon para mapanood at masundan ang laro.



Considering na matindi at di makontrol ang taas ng inflation, chain reaction ang paghirit ng mas mahal na tiket, at malala ang traffic damay ang pagpunta sa game venues, natural lang, nagbabago ang panahon and nothing is definite but changes, kaya inevitable ang adjustment.

Kung tutuusin, malinaw na on top talaga ang basketball sa Pinoy. Imagine, from grassroot sports pa lang, bawat young cager ay nakatanaw at nangangarap na makalaro sa professional league, especially PBA, lumalahok sa praktis at iba-ibang liga para makarating sa pro league.

Well, what we consider and appreciate is the inspiration projected by the pro league to every Pinoy supercager wanna-be. As per record, 1975 pa nagsimula ang PBA at nakipagmatagalan sa countless trials and challenges of modernization, pero dahil top business entities ang nasa likod, tuluy-tuloy ang saya sa basketball community!

By the way, pumapasok na po ito sa 50th Season, kaabang-abang ang listahan ng mga player na maisasama sa 50 Greatest Players ng PBA after nearing 5 decades since nagsimula ito ng parangal at nagkilala sa first 40 Great Players list. Abangan po natin ang favorite top-caliber cagers na mapipili. KUDOS!

MGA BAGONG LIGA, WELCOME!
KUNG lilibutin po natin ang iba’t ibang lugar sa bansa, nakatutuwa na kanya-kanyang suporta at pagkakaisa ang basketball lovers para umangat. Sa bunton ng bagong liga, namataan namin ang Cabanatuan Ballers Inter-Company/Business Basketball League (CBBL) na bumubuo ng karagdagan pang 2 teams for 10 all, para magbukas ng tournament sa February 15, 2025 sa Villa Ofelia/Caridad sa Mabini Homesite, Cabanatuan, Nueva Ecija. Sana all, suportahan ng business entities ang ballers groups, tulad ng sinimulan ng PBA na golden league na soon. So there!



FEBRUARY CHEERS!
HAPPY 80th LIBERATION DAY to Mandaluyong City, on February 9 and 31st Cityhood Anniversary! Mabuhay! HAPPY BIRTHDAY to REGINE PALAD of Laguna, VALERIE ROCA (AU) and IRONE JOSEPH CAPULONG (Navotas). Best blessings be with you all. HAPPY READING!