Advertisers

Advertisers

Mayor at 2 escorts kulong sa walang lisensiyang mga baril

0 19

Advertisers

KULONG ang appointed mayor ng Nabalawag, municipality ng Bangsamoro region, at kanyang dalawang security escorts nang makumpiskahan ng mga baril sa isang police-military gun ban checkpoint sa Sirawan, Toril, Davao City, Martes ng gabi, February 4, 2025.

Nasa kustodiya na ng Davao City Police Office si Anwar Saluwang, appointed mayor ng Nabalawag, isa sa walong bagong tatag na Bangsamoro municipality sa probinsya ng Cotabato sa Region 12.

Magkasama sa isang sasakyan si Saluwang at dalawang kasama patungo sa sentro ng Davao City nang mapuna ng mga pulis at sundalo sa checkpoint sa Sirawan na may dala silang mga baril.



Sa inisyal na ulat ng Davao City Police Office, wala silang maipakitang mga lisensya at exemption sa gun ban na ipinapatupad ng Commission on Elections mula pa January 12, naglalayong maging mapayapa ang gagawing local at senatorial elections ngayong May 2025.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms at paglabag sa Comelec gun ban sina Saluwang