Advertisers

Advertisers

Inflation rate noong Enero 2025 napanatili sa 2.9% – PSA

0 15

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 2.9% inflation rate noong Enero 2025.

Ito ay nananatiling nasa parehong lebel noong Disyembre 2024, bagama’t bahagyang mas mataas ito sa 2.8% na naitala noong Enero 2024.

Sa isang press conference nitong Miyerkules iniulat ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na ang pangunahing nag-ambag ng kabuuang inflation ng bansa o ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at mga serbisyo ng bansa noong Enero ay ang pagtaas sa mga presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages, mas mataas na housing at singil sa tubig, kuryente, gas at iba pang fuels gayundin sa restaurants at accommodation services.



Samantala, naitala naman ang kabuuang food inflation noong Enero 2025 sa 4.0%. Nakitaan ng pagtaas pagdating sa pagkain ay ang karne, isda at gulay partikular na ang pagsipa ng presyo ng kamatis dahil sa epekto ng tumamang mga bagyo noong nagdaang taon.