Advertisers

Advertisers

“Karakter”

0 190

Advertisers

Sa paghalal ng mga lider ng bayan kada eleksyon, hindi lang importante ang popularidad, yaman at kakayahan bilang basehan, dapat din kilatisin ang karakter o pagkatao ng isang kandidado at sukatin siya batay sa mga kanyang inasal at ginawa noon at ngayon.

Alamin kung sya ba ay naging mabuting tao kahit noong wala pa sya sa poder o nagsisimula palang magkamal ng kapangyarihan.

Sa lungsod ng Caloocan ay may naganap diumano na panggagahasa sa dalawang menor de edad na magpinsan noong 2008.



Hinuli ang dalawang magpinsan ng mga barangay tanod ng Caloocan noong madaling araw ng Abril 2008 dahil sa paglabag diumano sa curfew.

Dinala ang magpinsan na 14 at 16 taong gulang sa barangay hall kung saan inabutan nila ang barangay chairman noon na si Dale “Along” Malapitan at ang kanyang tyuhin na kinatawan din ng barangay na si Mariano Malapitan. Namayapa na ang tyuhin.

Sa nilagdaang salaysay noon ng dalawa na public records na ngayon ay inakusahan nila ang mag-tyuhin ng panggagahasa noong madaling araw na iyun.

Naisampa ang kasong rape laban sa dalawa at sa iba pang barangay tanod sa Office of the City Prosecutor ng Caloocan.

Agad naman kinupkop ng DSWD ang dalawang magpinsan dahil nga menor de edad bilang proteksyon lalo na nung magsimula makatanggap ang pamilya nila ng banta at pananakot. Halos lampas tatlong taon silang nasa kustodiya ng DSWD.



Matagal na nagalangan ang DSWD na isapubliko ang mga detalye ng kaso upang proteksyunan ang mga menor de edad kaya ngayon lang naglalabasan ang tungkol dito.

Ang balik ng kampo ng Malapitan ay pulitika lang ito dahil hindi nila kakampi ang nakaupong mayor noon.

Ang ama noon ni Along Malapitan ay nakaupong congressman na si Oca Malapitan.

Ngayon ay mayor na si Along Malapitan. Congressman pa rin si Oca.

Sa ginawang pagsusuri sa dalawa bata ng PNP Crime Lab sa Camp Crame at ayon sa DSWD documents – kumpirmadong may “lacerations” sa kanilang mga ari at may “blunt force na ginamit at “penetration” na nangyari.

Nakakalungkot na ang kaso nila tulad ng mga kasong isinampa ng mahihirap laban sa mga maimpluewesya ay walang pinuntahan.

Nadismiss ang kaso noong 2011.

Noong 2013, nag-attempt ang isa sa biktima na buhayin ulit ang kaso ng mabalitaan nya na tumatakbong congressman si Along na noo’y nag level up na bilang konsehal.

Subalit tila walang nangyari dahil ayaw makipag-cooperate nga noon ng DSWD upang isapubliko ang mga dokumento na may kinalaman sa rape case.

Ngayon lang pagkalipas ng maraming taon na naisapubliko na ang mga dokumento.

Sa kasong nabanggit, walang nakulong, walang nagdusa ngunit habang buhay na-traumatized ang dalawang magpinsan na ngayon ay nasa edad lampas 30 na.

Nakulapulan lang ang kaso ng mga paratang na ginamit ang dalawang menor de edad sa away pulitika ng kampo ng Malapitan at ng nakaupong mayor noon.

Kasama rin salaysay na sinamantala ng kampo ng Malapitan ang kamangmangan ng pamilya na nagawa nilang palabasin na may kasunduang silang nilagdaan na nagpapawalang totoo sa paratang ng mga biktima.

May alegasyon din na binayaran ng tig P20,000 ang pamilya ng mga biktima upang huwag ng ituloy ang kaso.

Kung babasahin ang salaysay ng dalawang bata ay may pinapirmahan sa kanila na papel ang isang tauhan ng mga Malapitan na hindi nila masyadong naunawaan.

At sigurado na tayo na ipagsasawalang kibo lang ulit ito ng kampo ni Mayor Along at agarang babahiran ng kulay pulitika.

Kung mahusay ang pagkatao ng magtyuhin, sila sana ang unang sumagip sa magpinsan mula sa kapahamakan; pinangaralan na huwag magpapagabi sa daan at inihatid sa kanilang mga bahay.

Subali imbes na maging protector ng nga Kabataan at mahihina, sila pa ang mga demonyong sumira sa kanilang kinabukasan.

Isinalaysay din ng magpinsan na buhat ng magahasa sila ay nag-iba ang kanilang pagtingin sa lahat ng mga lalaki – lalo na yung may-edad sa kanila – na lahat sila ay rapist.

Napapanahon na marahil na balikan ang kasong ito dahil tumatakbong alkalde ulit si Along Malapitan at congressman pa rin si Oca. Nagpapalitan lang ang mag-ama bilang mayor at congressman ng Caloocan.

Sila na ngayon ang ruling elite sa Caloocan. Lipas na ang panahon nila Asistio, Echiverri at Malonzo.

Kung noon na Kapitan ng barangay palang si Along ay nagawa na nya ang ganung pang-aabuso, ano pa kaya ang mga nagawa o ginagawa nya ngayong sila na ang hari ng Caloocan?

Kung walang lumalabas na mga kaso laban sa kanila ngayon, hindi malayo na ginawa din nila ang ginawa nila sa magpinsan na menor de edad para manahimik?

Kung taga-Caloocan ka, dapat bang magtiwala ka pa sa kanila?

Hindi sapat na gwapo, matipuno, at mapera ang kandidato, suriin nyo din ang kanilang pagkatao – kung mabuti ba silang tao?

***

Email:bootsfra@yahoo.com