Advertisers
Ayaw ng mga residente ng lungsod Pasay sa garapalang kultura ng political dynastic kung saan iisang pamilya ang naghaharing lipi.
Counter- productive ito at sinisikil ang kalayaan at patas na pamamahala ng isang pamayanan.
Hindi rin umiiral ang sistema o prinsipyo ng check and balance at transparency and accountability ng isang lokal na pamahalaan na isang importanteng criteria para sa isang matapat at desenteng pangungobyerno.
Ito ang pangunahing rason kung bakit nanindigan at nagpasya si 2nd district Councilor Edith
” Wowee” Manguerra to challenged incumbent Pasay City Mayor Emi Calixto- Rubiano sa mayoralty race sa darating ng May 12, 2025 midterm elections.
Inihahandog ni Wowee Manguerra ang isang matapat, patas at puno ng pagmamahal na paglilingkuran sa mga minamahal nitong Pasayenos.
Isang tunay na pagmamalasakit para sa kanyang mga kababayan!
Isang lokal na pamahalaan na handang itaguyod ang kaunlaran at kinabukasan ng mamamayan partikular na ng sektor ng kabataan.
Sa kasalukuyang administrasyon ng lungsod, tanging napagkakalooban lang ng eksklusibong karapatang pamahalaan ang siyudad ay mga personalidad na mula sa iilang pamilya,isa na nga dito ang Calixto- clan kung saan tumatayong congressman ng lone congressional district ng Pasay si former Mayor Tony Calixto na nakakatandang kapatid nang nakaupong alkalde na si Emi Calixto– Rubiano.
As in adding insult to injury,hindi pa nakuntento dito ang pamilyang Calixto kung saan tumatakbo naman bilang runningmate ni Mayora Emi para bise alkalde si Councilor Mark Calixto,anak ni Congressman Tony Calixto at pamangkin naman ng sitting Mayora.
What’s worst,nakuha rin ng pamilyang ito na ipanalo bilang taga- Pangulo ng Liga Ng Mga Barangay ang isa pang pamangkin ni Congressman Tony Calixto at Mayora Emi Calixto– Rubiano na si Barangay Kapitan Prince Calixto earning him a seat in the city council.
Kung hindi ito dinastiya at its worst,ano pa ba ang maitatawag dito?
Konting pino naman sana at wag masyadong GARAPAL,daing ng mga taga- Pasay City.
Going back dito sa matapang at may prinsipyong si Wowee Manguerra, pinatunayan nito na kaya niyang tayuan at ipaglaban ang bawat karapatan ng kanyang mga kababayang Pasayenos na tila minamaliit at inaabuso ng LAHING naghahari.
Bagamat masasabing umaasenso ang lungsod Pasay in terms of economy and annual income,salungat naman ito sa kalunus- lunos na estado ng pamumuhay ng mga residente ng Pasay.
Katiting o kung hindi man, walang epekto ang pag- unlad ng lungsod sa katayuan ng pamumuhay ng mga mamamayan nito na karamihan ay nananatiling nasa laylayan ng lipunan at nagdarahop sa araw- araw.
Salungat sa nagdudumilat na pag- asenso at paglago ng kabuhayan at kayamanan ng mga pinagpalang namumuno ng lungsod Pasay.
Kung isasailalim sa life style check ang mga ito,mabubulgar ang buong katotohanan.
Ang ilang lider ng mga barangay na masasabing
” malalapit sa kusina” ay namumuraot at nakikinabang ng husto sa mga biyaya ngunit ang mga hindi kapanalig at kaalyado ay tiyak na nangangagutom.
Sa gitna nang nagdudumilat na kaganapang ito, nadudurog ng pinung- pino ang interes at kapakanan ng mayoryang Pasayenos.
Ito ang nais bigyang solusyon ni Wowee Manguerra as she ask every Pasayenos to help her get rid of these sinister practices and atrocities of people in power.
Tama na ang pagkaganid sa kuwarta at kapangyarihan!
Tutal, nakapagsubi na kayo ng sobra- sobra!
Wala ba talagang kabusugan ang mga buwaya?
Tulungan natin si Wowee Manguerra sa laban nyang ito para sagipin sa kamunoy ng kahirapan at exploitation ang mga kaawa- awang Pasayenos.
Tama na,sobra na!
Para sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyong taga- Pasay at sa kinabukasan ng ating mga anak, mamulat na tayo at isulong ang maka-masang pagbabago.
Nawa’y tumulong na rin ang simbahan at mga kura- parokya ng Pasay upang gabayan ang kanilang parishioners na iiwas at iligtas sa kamay ng mga demonyong mapagsamantala at walang inisip kundi magkamal ng nakaw na yaman.
Wowee Manguerra na tayo!
Ang Messiah ng Pasay!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com