Advertisers

Advertisers

CHILL HINDI KILL

0 6

Advertisers

GAWING ligtas ang Marilaque: Chill Ride, Hindi Kill Ride!

Riders’ Haven, Hindi Riders’ Graveyard.

Iyan ang mensahe ko sa lahat ng rider (nagmo-motor) sa bansa, na ang pagmo-motor ay dapat laging kaligtasan ang nasa isip at gawa. Hindi kayabangan dahil sa lakas ng loob.



Kung may isang lugar sa Pilipinas na tunay na paraiso para sa mga rider, walang duda—Marilaque ito. Sa mga matagal nang nagmo-motor, tulad ko na dumaraan dito mula pa noong taong 2000 (nung very, very rough road pa ito), masasabi kong isa itong perpektong ruta para sa isang relaxing na ride: luntiang paligid, preskong hangin, at tanawing tila pintang obra ng kalikasan.

May maliit kaming farm sa Boso-Boso, sa Sitio San Ysiro, kaya bahagi na ng buhay ko ang kalsadang ito.

Pero sa paglipas ng panahon, unti-unti nang nagbago ang Marilaque. Hindi lang ito naging riders’ haven, kundi para na rin itong impromptu race track ng ilan. Ang resulta? Sunod-sunod na aksidente, madalas na patay ang rider. At sa mga notorious na lugar tulad ng kurbada sa Palo Alto, Manukan, at Devil’s Corner, tama ang pangalan—dahil kung hindi ka sa langit mapunta pagkatapos ng isang crash, malamang ang diyablo ang sasalubong sa’yo.

Bakit nga ba naging ganito? Simple lang—hinayaan sila. Walang nagpatupad ng maayos na batas, walang imprastrakturang sapat para tiyakin ang disiplina sa kalsada, at walang sistema para tugunan agad ang mga insidente. Pero sa halip na sisihin lang ang mga “kamote” at “oscar” riders, bakit hindi natin ayusin ang sistema?

Chill Ride, Hindi Speed Ride



Kung gusto nating gawing ligtas ang Marilaque, kailangan nating gawing ROAD o TRAFFIC DISCIPLINE ZONE ito. Ibig sabihin, chill ride lang, hindi speed o STUNT ride for the cameras. Kung gusto mong sumubok ng 300kph sa straightaway, doon ka sa race track, hindi sa public road.

At kung gusto mo namang sumikat bilang STUNTMAN, punta na lang sa GMA Artist Center o ABS-CBN Talent Center. Dun ka mag-apply. Kikita ka pa.