Advertisers

Advertisers

15-anyos ‘hitman’ sa kalakaran ng droga timbog

0 10

Advertisers

SINAGIP ang 15-anyos na lalaki na ginawang “hitman” sa kalakaran ng ilegal na droga sa Cebu City. Suspek din ang binatilyo sa pagpatay sa isang ginang.

Sa ulat, sinabing suspek ang binatilyo sa pagbaril at pagpatay sa 44-anyos na babae noong Pebrero 2, 2025.

Matapos gawin ang krimen, nagtago ang binatilyo sa bayan ng Dalaguete hanggang sa masagip.



Nakuha sa kanya ang isang baril na kalibre .45

Hinahanap pa ang dalawa niyang kasamahan na sangkot din sa pagpatay sa babae.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay sa biktima, pero isa sa anggulo na tinitingnan ang paggamit ng ilegal na droga.

Susuriin ng Women and Protections Desk kung may “discernment” o kung lubos na nauunawaan ng binatilyo ang krimen na ipinaparatang laban sa kanila

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">