Advertisers

Advertisers

Tsekwa at 25 Pinoy timbog sa ‘paihi’ sa Batangas

0 15

Advertisers

ARESTADO ang 26 katao kabilang ang Chinese national na sangkot sa ‘paihi’ at pagkakasamsam sa P 12. 2 million halaga ng petroleum products ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa San Juan, Batangas, Martes ng madaling araw.

Ayon kay Brigadier General Nicolas Torre III, 12:20 ng umaga nang magsagawa ng operation ang pinagsanib na mga elemento ng CIDG Batangas Provincial Unit, Calabarzon Regional Unit, San Juan Municipal Police, Bureau of Custom at Philippine Coast Guard Subukin Port sa San Juan, Batangas.

Isinagawa ang operasyon base sa report kaugnay ng laganap na operasyon ng smuggling ng petroleum products ng ilang grupo sa San Juan.



Narekober ng mga operatiba ang 6 straight truck tankers, 4 trailer trucks, 1 straight truck, at fishing vessel na ginawang tanker na may lamang 200,000 litro ng petroleum products.

Sasampahan ang mga naaresto ng kasong paglabag sa Section 2(a) of Presidential Decree No. 1865.
(Mark Obleada)