Advertisers

Advertisers

Sikat na police vlogger kulong sa rape

0 488

Advertisers

NASA kustodiya ngayon ng Philippine National Police (PNP) si Staff Master Sgt. Timothy Joseph “Teejay” Virtucio, na inakusahang nang-rape ng teller ng sabungan sa Batangas.

Ayon kay PNP Spokesperson at PRO3 Regional Director, Brig Gen. Jean Fajardo, dinisarmahan na ng PRO4A ang nasabing pulis.

Sinabi ni Fajardo na maliban sa dinidinig na kasong administratibo, sasampahan din ng kasong kriminal si Virtucio at isa pang kasabwat na at-large.



Ang sikat na police vlogger na Virtucio ay sangkot sa kasong panggagahasa kungsaan nananatili pa rin sa ospital ang biktima dahil sa umano’y trauma sa insidente.

Lumabas din, ani Fajardo, sa medico legal na nagpositibo sa penetration ang pagkababae ng biktima.

Hinihintay pa ng PNP ang resulta ng toxicology test para mabatid kung drinoga rin ang biktima.

Napag-alaman na patuloy na tinatangkilik ng kanyang libu-libong followers ang mga content ng pulis vlogger na naging bantog na sa social media dahil tuwing magtatapos ito sa kanyang mga ginagawang content ang huling salita ay “Sayang ang Tattoo”.(Ronald Bula)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">