Advertisers

Advertisers

Sekyu laging late sa duty binaril patay ng kabaro

0 21

Advertisers

NASAWI ang isang security guard nang pagbabarilin ng kasamahan nitong gwardya rin, dahil sa pagiging late ng 30 minuto sa trabaho, sa Antipolo City, Rizal.

Ayon sa ulat, reliever ang biktima ng salarin sa trabaho at hindi umano ito ang unang pagkakataon na nahuhuli sa pagpasok ang biktima.

“Yung salarin natin parang buong araw nang nagdu-duty. Initially, sabi niya, parang araw-araw na late yung kasama niya,” sinabi ni Lt. Col. Ryan Manongdo, hepe ng Antipolo City Police.



Matapos sumuko sa pulisya, sinabi ng salarin na hindi lamang ang pagiging late ang dahilan ng pagpatay niya sa kabaro.

“Pinagalitan po kami. Dala po ng galit, pati sa pagbabanta niya sa akin pati sa pamilya ko. Sa akin wala naman pong problema, pero ayaw kong nadadamay pa yung pamilya ko,” ayon sa salarin habang nasa kulungan.

Nakuha ng mga awtoridad ang handgun na ginamit ng salarin.

Nahaharap ito sa kasong homicide, bagamat tinitingnan ng mga awtoridad ang posibilidad na itaas ito sa reklamong murder

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">