Advertisers
DUMADAMI umano Ang nagiging biktima mga pulis-bangketa dito sa Maynila na kung saan sa mga bangketa na lang sinisintensiyahan Ang kanilang mga biktima.
Ang mga pulis-bangketang tinutukoy dito ay mga tunay na pulis na may anyong holdaper dahil sa kanilang estilong lilimasin Ang inyong pera, alahas, cell phone at anumang mahalagang bagay sa inyong katawan.
Hindi sinu-sunod ng mga ito Ang tinakdang proseso ng batas particular na sa pag-aresto sa mga crime suspect na lumabag sa batas dahil Ang mga ito ay sa bangketa na lang sinisintensiyahan.
Ang ibig Sabihin nito ay Hindi na pinapaabot pa Ang mga arestado sa anumang himpilan at departamento ng pulis na kung saan sila dapat imbestigahan at detine.
Pera-pera Ang laban ng mga ito kung kaya’t kapag wala Kang pera sa iyong katawan ay siguradong hoyo at kulungan Ang bagsak mo.
May mga biktima Rin umano Ang mga itong malinis at Wala namang nilabag na batas ngunit tinuturing na ring kriminal dahil may nakitang pera sa katawan.
Ang umiiral na batas or cardinal rule ng mga ito ay “MALAKING KASALANAN KAPAG MARAMI KANG PERANG DALA SA IYONG KATAWAN” he… he… he… mandatory daw iyon.
Makakailan lang ay may apat na suspect itong bina-kote na binubuo ng dalawang pares na may live-in partner sa Vitas, Tondo, Manila.
Nakunan daw ng shabu at talaga naman daw na mga lehitimong pusher Ang tatlo sa apat na ito na matagal na ring under surveillance.
Maliban sa shabu,nahulihan din daw ng baril Ang Isa sa apat na suspect sa loob ng kotse nito.Ito daw ay isang caliber .40.
Bilang mga pusher, timing daw na kakasingil lang ng mga ito sa binabagsakan nila ng droga kung kaya’t mahigit-kumulang sa P350,000 umano Ang nakuhang pera ng mga pulis.
Particular sa pera,nakunan din umano ng 65 gramo ng shabu Ang mga ito na sinasabing may street value P150,000.
Mula daw sa pinaghulihan nila sa Vitas. Akala daw nila ay sa himpilan na ng pulisya ang tungo nila kung saan sila ide-detine at imbestigahan.
Lacking gulat daw nila ng sila ay dalhin sa isang madilim na bahagi ng North Bay Boulevard malapit sa Tondo General Hospital na kung saan sila inabot ng madaling-araw.
Dito na daw sinimot ng mga pulis Ang lahat ng pera, alahas, cell phone at lahat ng mahalagang bagay sa kanilang katawan.
Tatlo sa apat na mga arestado Ang pinakawalan din at isang lalaki na may ari ng baril Ang naiwan sa mga pulis na tila mali yata dahil sa Isa lang kaso Ang kinakasangkutan nilang apat.
Pati daw Ang kotseng nakunan ng baril ay pinaalis din na dapat sana ay inimpound.
Bago daw sila maghiwa-hiwalay,isang banta daw Ang iniwanan sa kanila ng mga pulis na Buhay nila Ang kapalit kung sakaling malaman ng iBang tao Ang naging kaganapan.
Maraming ganitong kaganapan na daw Ang nangyari sa mga bangketa at kalsada ng Maynila na Hindi napagtutuunan ng panahong na kung saan pera-pera lang Ang laban at libre ka na.