Advertisers

Advertisers

MAYOR, TIMBOG SA RAPE SA MENOR DE EDAD

0 20

Advertisers

NATUNTON ang nagtatagong mayor ng Pangantucan sa Bukidnon na wanted sa kasong panggagahasa ng menor-de-edad sa Compostela, Davao de Oro noong Linggo.

Kinumpirma nitong Martes ng Davao de Oro Provincial Police Office at ng Police Regional Office-11 ang pagkaaresto kay Mayor Miguel Ariola Silva ng Pangantucan, na nasukol ng mga pulis sa tulong ng kanyang mga kababayan sa Purok 1, Barangay Poblacion sa Compostela.

Magkatuwang na hinanap si Silva sa Davao de Oro sa Region 11 ng mga operatiba ng PRO-11 at ng Bukidnon Provincial Police Office na pinamumunuan ni Colonel Jovit Culaway, matapos makatanggap ng ulat mula sa mga residente ng Pangantucan hinggil sa kanyang pagtatago sa naturang probinsya.



Wanted si Silva sa kasong panggahasa ng batang babae, na naisampa sa Regional Trial Court Branch 9 sa Malabalay City, Bukidnon.

Sa inisyal na ulat ng Compostela Municipal Police Station nitong Lunes, hindi na pumalag si Silva nang pakitaan ng warrant of arrest ng mga pulis mula sa Bukidnon at units ng PRO-11. Walang piyansang nirekomenda sa kanyang pansamantalang paglaya.