Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HINDi raw masasabing nagpabaya si Mark Herras sa kanyang career kaya wala na itong proyekto. Muling sinabi niya sa interview ni Toni Gonzaga na kuntento na raw siya sa mga narating niya bilang aktor, at walang katotohanan ang mga paratang na pinabayaan niya ang kanyang showbiz career.
Wala naman daw siya sa point ng kanyang karera na meron siyang pinoprotektahan na image. Kaya naman sa mga nagsasabing nagpabaya siya ay hindi raw ito totoo.
“Talagang kuntento na ako sa narating ko and nagkataon talaga na wala nang masyadong offers,” sabi ng aktor.
Huling project ni Mark ang seryeng Abot-Kamay Na Pangarap, na pinagbidahan ni Jillian Ward. Kahit maliit ang role ay tinanggap ni Mark dahil trabaho pa rin daw ‘yun. Hindi raw ito namimili basta trabaho ay okay siya.
Kaya naman daw nung in-offer sa kanya ang magsayaw sa gay bar ay tinanggap niya.
Sumayaw daw siya dahil trabaho. Basta ang goal niya kasi ay mag-provide sa pamilya.
Hindi naman daw siya naghubad. Hindi naman daw siya nagsayaw ng parang isang macho dancer. Nagsayaw siya ng hip-hop, at lalong hindi naman siya nagpa-table.
Tahimik na raw ang buhay ni Mark, wala raw itong isyu hanggang sa mangyari nga ang pagsasayaw niya sa gay bar.
Mas pinili raw niya ang tahimik na part ng career niya.
***
FYANG AT JM KAPWA NOMINADO SA STAR AWARDS FOR TV
SIGURADONG matutuwa ang mga tagahanga ng love team nina Fyang Smith at JM Ibarra dahil kapwa nominado ang dalawa sa darating na 38th Star Awards For TV, na gaganapin sa Dolphy Theater sa March 23, 2025.
Nominado si JM for Best New Male TV Personality para sa Pinoy Big Brother Gen 11 Big 4Ever while si Fyang ay para sa Best New Female TV Personality para rin sa nasabing reality show ng Kapamilya network.
Ang mga kalaban ni JM sa nasabing kategorya ay sina Andres Muhlach (Da Pers Family/ TV5), Drei Arias (May For Ever /Net 25), Dylan Menor (MAKA/ GMA), Jarren Garcia (Pinoy Big Brother Gen 11 Big 4Ever /TV5,A2Z), Jay Ortega (Pulang Araw /GMA 7), Jeremiah Cruz (Goin’Bulilit /A2Z,All TV),Mathew Uy ( Widow’s War /GMA7), Ralph De Leon (High Street /TV5/A2Z) at Sean John Bialoglovski (Goin’ Bulilit/ A2Z,All TV)
Ang mga kalaban naman ni Fyang sa Best New Female TV Personality ay sina Angeli Khang (Black Rider/GMA 7), Ara Davao (FPJ’s Batang Quipo/ A2Z,TV5), Bo Bautista (StarKada/Net25)
Chastity Dizon (Goin’ Bulilit/AllTV, Kolette Madelo (Pinoy Big Brother Gen 11 Big 4Ever/A2Z,TV5), Quinn Carrillo (Asawa ng Asawa Ko/GMA 7), Salome Salvi (Black Rider /GMA 7), Shira Tweg (3 In 1 /Net 25) at Tali Sotto (Love, Bosleng & Tali-Net 25)
Abangan kung kapwa mananalo sina Fyang at JM.