Advertisers
UMISKOR si Jalen Brunson ng 11 sa kanyang final 13 points Lunes ng gabi para sa New York Knicks, na nalampasan ang 11-point fourth-quarter deficit para durugin ang bisitang Houston Rockets sa 124-118.
Nagtapos si Brunson ng 42 points,10 assists at six rebounds para sa Knicks, na taglay ang 4-1 sa kanilang ngayon ay natapos na homestand. Ito ang unang 40-points,10-assists game para kay Brunson at unang ganyang laro para sa New York player simula noong si Trey Burke ay umiskor ng 42 points at 12 assists sa 137-128 overtime loss sa Charlotte Hornets noong Marso 26, 2018.
Mikal Bridges at Karl-Anthony Towns nagdagdag ng tig-22 points habang si Josh Hart umayoda ng 19 points para sa Knicks, na outscored ang Rockets 46-29 habang shooting 62.5 percent sa fourth quarter.
Nagtagumpay ang Knicks sa kabila ng pagliban ni OG Anunoby, na lumaktaw sa kanyang first game ng season dahil sa right foot sprain na natamo Sabado sa 128-112 talo kontra Los Angeles Lakers.
Amen Thompson pomuste ng 25 points,11 rebounds,11 assists para sa undermanned Rockets, na nabigo ang kanilang season-high third straight game. Iyon ay pangalawang triple-double ni Thompson sa season, pangatlo sa kanyang career.
Jalen Green may 21 points habang si Cam Whitmore (18 points) at Aaron Holiday (15 points) bawat isa ay nagtala ng double figures off the bench. Tari Eason nagdagdag ng 12 points habang ang kapwa starter Dillon Brooks nagtapos ng 11 points.