Advertisers
Ni Oggie Medina
ANG komedyanteng si Evelyn Vargas ay nakabase na ngayon sa Switzerland at napangasawa ang kilalang director na si Martial Knaebel.
Si Knaebel ay dating festival artistic director ng Fribourg International Film Festival sa loob ng 15 taon. “We met in Hawaii International Film Festival and I never wanted to uproot myself but we both found love and respect that we decided to be wed.”
Noon 1997 pagkatapos ng Cannes Film Festival ay kinasal sina Evelyn at Martial.
Saad ni Evelyn: “There were many adjustments but we are happy to face any challenges that come our way. Thanks and praise God for His guidance, love and compassion!”
***
NAKASALUBONG ko ang isang 85 taong gulang na ginang at nagtanong ako kung paano pumunta sa Costco at Safeway sa Business Center Drive ng Fairfield.
Si Gng. Clarita Biscocho, na nag-aral sa UST at isang retired teacher (pumunta ng USA noong 1983) ay mabait na tinuro ang direksyon. Isang mahabang paglalakad sa gitna ng isang napakalamig na klima.
Magkapitbahay lang pala kami ng anak niyang nurse, si Noralyn Biscocho, sa Overture Lane. Si Gng. Clarita ay dyan lang sa Aria Street, di kalayuan sa amin.