Advertisers
PAULIT-ULIT na isinasapubliko ng Philippine National Police na malapit na nilang maaresto ang puganteng dating direktor ng Bureau of Correction (BuCor) na si Colonel Gerald Bantag.
Pero maraming buwan na ang nakalipas ay at atlarge parin ang umano’y utak ng pagpaslang sa hard-hitting radio commentator/columnist na si Percy Lapid.
Nitong mga nakaraang araw, muling inanunsyo ng PNP na tumbok na nila ang kinaroroonan ni Bantag. Bakit ayaw pang hulihin? Animal!
Kamakalawa, ipinahayag uli ng PNP na naniniwala silang hindi pa nakalalabas ng bansa si Bantag. Ngek!
Akala ba natin ay tumbok na nila ang kinaroroonan ng dating Kernel? Bakit tila duda pa sila kung nasa loob pa ng bansa ito?
Ano ba talaga, PNP Chief, General Marbil, Sir?
***
ANG CALABARZON ang rehiyon na may pinakatalamak na mga iligal: mga sindikato sa droga, sugal at mga nangsasabotahe sa ekonomiya ng bansa. Mismo!
Malaking sampal ito sa magkapatid na DILG Secretary Jonvic Remulla at kanyang kuya na si Justice Sec. Boying Remulla na mga taga-Cavite. Opo!
Ano bang ginagawa ng mga opisyal ng PNP na nakatalaga sa Cavite at mga karatig lalawigan? Naghihintay lang ng lingguhang protection money o tongpats?
Obvious naman, mga pare’t mare, na ang anumang iligal sa isang bayan, lungsod, lalawigan ay hindi mag-e-exist kung walang bendisyon at proteksyon ng mga hepe ng pulisya lalo ng provincial at regional director. Tama ba ako, Colonel Dwight Alegre?
Ayon sa ating mapagkakatiwalaang source, milyones ang ipinapasok ng “bagman” ng mga iligalista sa bawat tanggapan ng pulisya sa CALABARZON hanggang sa kampo ni PNP Chief, General Marbil.
Kaya naman libreng-libre ang operasyon ng mga paihi o buriki, kasong pananabotahe sa ekonomiya ng bansa at walang piyansa, sa CALABARZON lalo sa Batangas City.
Napakatalamak din ng bentahan ng droga mula Cavite, Laguna hanggang Batangas. Ano bang ginagawa rito ng mga awtoridad? Naghihintay ng lingguhan sa mga iligalista?
Balikan natin ang Cavite, ito na ang lalawigan na namumutiktik sa mga iligalista ng sugal, online scammer, droga, at mga sindikato ng paihi/buriki! Malaking kahihiyan ito sa mag-utol na kalihim (Remulla) ni Pangulong “Bongbong” Marcos. Mantakin mo kung saan nakatira ang mga kalihim ng pangunahing ahensiya ng gobyerno ay doon pa namamayagpag ang mga iligalista at sidikato. Tsk tsk tsk…
Maniniwala lang tayo sa kakayahan ng magkapatid na kalihim ng administrasyon kung mawalis nila ang sandamakmak na mga iligal at sindikato sa kanilang lalawigan.
DILG Sec. Jonvic at Justice Sec. Boying, aksyon!
***
Muling inihayag ni Vice President Sara Duterte-Carpio na seryoso niyang ikinokonsidera ang pagtakbong presidente sa 2028.
‘Yan ay kung hindi siya ma-impeach!
Si VP Sara ay sinampahan ng mga reklamong Plunder, Betrayal of Public Trust, Bribery, at iba pang high crimes sa Kamara.
Sabi ng Kamara, sisimulan na ang proseso ng impeavhment vs VP Sara bago mag-break ang session ng Kongreso ngayong linggo.
Subaybayan!