Advertisers
SANIB-PUWERSA sina Rubilen Amit at Chezka Centeno sa kanilang kanya kanyang partners sa Kamui Mixed Doubles Open 10-Ball Championship sa Pebrero 25 hanggang Marso 1 sa Rio All Suite Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.
Amit, na world 9-ball champion,ay makakasangga ang veteran na si Francisco “Django” Bustamante sa 32-pair event sanctioned ng World Pool Association (WPA).
“Dream come true for me to partner with one of the LEGENDS of the sport, Coach Django. Let’s go coach!” Paskil ni Amit sa social media.
Centeno, na world 10-ball titlist ay sasabak rin kapartner si Mark Estiola, na runner-up sa Buffalo’s Pro Am Classic 9-Ball Open nakaraang taon.
Iba pang Filipinos na sasabak ay si Roberto Gomez, na makakasanggan ang Bulgarian Kristina Zlateva.
Fil-Canadian Alex Pagulayan, na kinatawan ang Canada sa mahabang panahon, makakapartner ang Germany’s Yvonne Hybler, habang ang iba pang kilala na players na makikita ay sina American Allison Fisher kasama si John Morra, ng Canada,Germany’s Ralf Souquet at Serbia’s Bojana Sarac, Hall of Famer Mika Immonen at United States’ Caroline Pao, at Austrian Jasmin Puschan kasama si Denis Grabe ng Estonia.
Ang tournament ay may alok na $100,000 total prize fund, na ang champion team ay makalikom ng $30,000 prize. Runner-up winners hanggang 16th placers ay makakuha ng share ng prize pot.