Advertisers

Advertisers

2 ‘TULAK-DROGA’ NA TRICYCLE DRIVER, LAGLAG SA BUY-BUST OPERATION SA PASAY

0 35

Advertisers

NABULAGA at naaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaking drug suspect sa isinagawang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 30 gramo ng hinihinalang shabu noong Lunes, Pebrero 3,2025 sa lungsod ng Pasay.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Alyas Christian, 28 taong gulang, isang tricycle driver, at Alias Reynaldo, 55 taong gulang, isa ring tricycle driver.

Nakumpiska kay Alias Christian ang humigit-kumulang 25 gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money, isang android phone, habang nakuha kay Alias Reynaldo ang humigit-kumulang 5 gramo ng hinihinalang shabu.



Ang dalawang indibidwal ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng Republic Act No. 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ito ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 30 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P204,000.00.

Sa ulat ng pulisya, ang operasyon ay naganap bandang 11:40 ng gabi sa Barangay 134, Pasay City, kung saan isinagawa ng pinagsanib na elemento ng District Drug Enforcement Unit – Southern Police District (DDEU-SPD), ng District Investigation Division – SPD (DID-SPD), at Sub-Station 4 Pasay City Police Station.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at sasailalim sa karagdagang legal na paglilitis.

Pinuri ni PBGEN Manuel J. Abrugena, District Director ng SPD, ang miyembro ng operating team sa kanilang dedikasyon at pangako sa paglaban sa ilegal na droga. Aniya, ang matagumpay na operasyon na ito ay isang patunay ng kanilang walang humpay na pagsisikap na alisin sa mga komunidad ang mga ilegal na aktibidad at patuloy na paiigtingin ang operasyon ng pulisya laban sa droga upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">